top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 19, 2024




“May hindi tama,” wika ni Via sa kanyang sarili habang pinagmamasdan sina Tatay Pedro at Nhel Zamora. 


Bigla niya tuloy natanong sa kanyang sarili na, “Nasa perpektong sitwasyon na ba ako?”

“Wala!” Buong diin niyang sabi sa kanyang sarili. 


Ang dahilan kaya nagpakasal siya sa lalaking ito ay dahil bina-blackmail nito ang kanyang Tatay Pedro. 


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Dapat sana ay magalit siya 

sa binata pero hindi iyon ang nararamdaman niya ngayon. 


“Iba talaga ang mayaman, ‘no?” Hindi niya maiwasang itanong dito habang makasakay sila sa Montero. 


“Why?” Tanong nito habang nakatingin sa daan.


“Madali mong nakukuha ang mga bagay na gusto mo.” 


“Hindi lahat.”


“Ang dali mo nga akong nakuha.”


Marahang tawa ang pinawalan nito. “Sisihin mo ang ama mo.” 


“Hindi naman talaga siya sugarol. Nagkataon lang na hindi pa siya nakaka-recover sa pagkamatay ng nanay ko.”


“Masyado naman niyang minahal ang ina mo,” inis nitong sabi. 


Hindi napigilan ng dalaga ang mapangiti. Kapag pinag-uusapan kasi ang lovestory ng kanyang mga magulang, hindi niya maiwasan ang kiligin. 


“Paano ba naman kasi, wala raw minahal ng totoo si Tatay Pedro, kundi ang aking ina lang,” pagmamalaking sabi ng dalaga. 


“Damn!” wika nito sabay preno. Sa sobrang galit na kanyang naramdaman, hinampas pa nito ang manibela. Nanlisik ang mga mata nito habang nakatitig sa dalaga.


“Huwag mong asahan na magiging madali sa iyo ang lahat.”



Itutuloy…



 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 18, 2024



Hindi alam ni Pedro kung bakit siya kinabahan nang ipagtapat ni Via sa kanya na pumayag na itong pakasalan si Nhel Zamora.


Ang ex niya kasing si Alicia Zamora ang agad na pumasok sa kanyang isipan. Hindi rin niya alam kung bakit may kaba siyang naramdaman nang titigan siya ng binata. Alam niyang malaki ang pagkakautang niya rito, pero matindi ang talim ng pagkakatingin nito sa kanya, at para bang gusto siyang sakalin. Nagsakripisyo si Via para sa kanya, ang tanging mahihiling na lang niya ay mauwi sa pagmamahalan ang dalawa. Pero, talagang hindi siya mapakali.


Para tuloy gusto niyang tanungin kung kaanu-ano ng binata si Alicia, pero biglang nagbago ang kanyang isip. Marahil dahil natatakot siya sa maaaring isagot nito.


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. 


“We’re leaving,” buong diing sabi ni Nhel Zamora.


“Saan tayo pupunta?” Pagtatanong naman ni Via.


“Sweetheart, mag-asawa na tayo kaya dapat lang na sumama ka na sa akin.”


“Ingatan mo ang anak ko ha?”


“Sinong anak?” Kunwa'y tanong nito sa kanya. 


“Si Via.” 


“Napakasuwerte talaga ng asawa ko, mahal na mahal ka ng iyong Tatay Pedro.”


Kumunot ang kanyang noo dahil sarcasm ang naaaninag niya sa tono nito.


“Aalis na po kami,” wika naman ni Via.


“Tatay ko na rin naman kayo,” sambit nito, sabay yakap at bulong, “Hindi ka pumirma sa birth certificate ko, pero nagawa mong pirmahan ang birthday certificate ng peke n’yong anak.”


Noong una ay hindi niya maintindihan ang sinasabi nito, pero naalala na naman niya si Alicia Zamora.



Itutuloy…



 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 17, 2024



“Hindi naman natin kailangan ikasal,”  nahagilap niyang tugon.


Para kasi sa kanya, ang kasal ay para lamang sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi niya ito mahal at nakakatiyak siyang wala rin itong pagtinggin sa kanya.


“Mas gusto mo bang mag-angkin ako nang mang-angkin na walang pinanghahawakan?” Nanunubok na tanong ng binata. 


“Ang kasal ay para lamang sa mga taong nagmamahalan.”


Kesa na sumagot ito, halakhak ang ginawang tugon ng binata. Dapat sana ay mabuwisit ang dalaga sa pagtawa nito, pero hindi niya iyon nagawa dahil maski siya ay nasiyahan din sa pagkahalakhak ng binata, bigla niya ring napagtanto na guwapo pala ito at kamukhang-kamukha niya si Jake Cuenca. 


Sa kaisipang iyon ay ipinilig niya ang kanyang ulo. Kailangan niyang itaboy sa isipan ang ideyang guwapo ito dahil kahit na mukha pa itong artista, masamang tao pa rin ito. 


“Hindi 'yan mabuting tao!” Buong diin niyang sabi sa kanyang sarili. 


Hindi man siya tunay na anak ni Pedro Pedral, nakakasiguro naman siyang ayaw din nitong mapahamak siya.


Pero, kailangan din niyang gawin ang kanyang responsibilidad bilang anak, at iyon ay ang isalba ito sa kapahamakan na maaari nitong kaharapin. 


“Hindi na importante ang sinasabi mo.”


“Importante ang pag-ibig.”


“Pera ang importante! Kung wala kang pera 'di ka magiging maligaya.” 


“May pera ka nga, pero nananapak ka lang naman ng ibang tao. Paano ka nakakaramdam ng tuwa sa kasamaang ginagawa mo? ” Marami pa sana siyang gustong sabihin, pero nang mapatingin siya sa binata, ang talim ng tingin nito sa kanya at para bang gusto siyang tirisin.


“Pakakasalan mo ako o ipapakulong ko si Pero Pedral?” Gigil nitong tanong sa kanya.


Itutuloy…



 
 
RECOMMENDED
bottom of page