top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 27, 2024




Kung inaakala ni Nhel Zamora na maaapektuhan si Via sa sinabi nitong gagawin siyang alipin, puwes nagkakamali ito. Para kay Via, mas okey na alipinin siya nito kesa tratuhin siyang isang prostitute.


“He’s your husband,” paalala niya sa kanyang sarili.


Ipinilig niya ang kanyang ulo para alisin sa kanyang isipan ang salitang kanyang naisip. Hindi naman porke asawa na niya ito ay mayroon na talaga itong karapatan sa kanyang katawan.


“Okey lang, sanay naman ako sa mga gawaing bahay, eh.”


Kita naman sa mukha ng binata ang matinding pagkabigla. Siguro ay inaakala nito na aasta siyang prinsesa kaya parang gusto niyang matawa. Hindi naman kasi siya mayaman para akalain nitong hindi siya marunong maglaba, magluto o maglinis man lang ng bahay.


“Kapag natikman mo ang luto ko, paniguradong masasarapan ka.”


“Baka naman lasunin mo ako?”


Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Hindi rin niya naiwasan ang makaramdam ng pagkairita. “At bakit ko naman gagawin iyon?” Mangha niyang tanong.


“Para matakasan mo na ako agad.”


“At sa palagay mo kapag ginawa ko iyon ay makakatakas ako sa batas? Naku ha! Hindi ko pinangarap na makulong!.”


Napangiti ang binata at sumagot ng, “Alam ko naman iyon. Gusto ko lang naman makita ang reaksyon mo.”


“Gusto mo lang kamo akong pikunin!”


“Right. Mas gumaganda ka kasi sa tuwing nagagalit ka.”


Ayaw paniwalaan ni Via ang sinasabi ni Nhel. Hindi niya ito lubos na kilala para sakyan ang lahat ng sinasabi nito.


“Saka para sabihin ko sa’yo ‘wag kang mag-alala safe ka sa akin dahil...” binitin muna niya ang kanyang nais sabihin at sabay dagdag ng “.. I love animals.”



Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 25, 2024




“Hindi ka na virgin?” Manghang tanong ni Nhel Zamora.


Gustong matawa ni Via sa ekspresyong ipinapakita ng binata. Kita niya ang pagkamangha nito at para bang hindi makapaniwala. Siguro talagang iniisip nito na wala pa siyang kamuwang-muwang ka sa nangyayari sa mundong ibabaw.


“Bakit, mayroon ba?” Tanong niya sa sarili.


Iyon ang gusto niyang iparating sa kanyang kaharap pero sa katunayan, nbsb pa siya o no boyfriend since birth.


“Asawa mo na ako, ‘di ba? Bakit hindi mo alamin?” Tanong niya pero pagkaraan ay nakaramdam siya ng takot. Baka kasi hindi ito magdahan-dahan.


“No.”


“Ibig mong sabihin...”


“Pinakasalan kita para pahirapan, hindi para pasayahin,” buong diing sabi nito.


Para tuloy bigla niyang nalulon ang kanyang dila ng mga sandaling iyon at para bang sinampal siya ng kamay na bakal.


“Para namang masisiyahan ako sa’yo,” nang-iinis niyang sabi na may halong pang-iinsulto. “Size 8 ito ‘no!”


Kumunot ang noo niya sa sukat na sinabi nito. Hindi niya iyon naunawaan agad.


Na-gets lang niya ang sinabi nito nang tumingin ang binata sa kanyang ibaba, at doon niya naunawaan ang gusto nitong iparating.


Gusto niya sana itong sabihan ng ‘bastos’ pero naisip niyang baka ‘di na nito paniwalaan ang kanyang sinasabi. Kaya, buong yabang niyang sinabi rito ang mga salitang, “Sanay kasi ako sa dose.”


“Wala akong pakialam sa nakaraan mo, pero hindi ko na hahayaan na may iba ka pang...” “Kasal na ako sa iyo kaya wala kang dapat na alalahanin.”


“Good.”


“Baka gawin mo ang sinasabi ko sa iyo ha?”


“Okey, nagbago na ang isip ko.”


“Saan?”


“Ayoko na tikman ang otso mo. Masyadong maliit,” nakangising sabi ni Via.



Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 24, 2024




Bahagyang itinulak ni Via si Nhel Zamora. Kahit kasi asawa na niya ito, nag-aalinlangan pa rin siya. Siguro nga dahil alam naman niyang hindi siya tunay na mahal ng binata. 


"Iyon nga lang ba ang dahilan?" Tanong niya sa kanyang sarili. 


Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung nalaman na niyang anak pala ito ng kanyang Tatay Pedro. Wala man itong pinakitang DNA result, nakakasiguro naman siya na nagsasabi ito ng totoo. 


“Masarap ba?” Nakangising tanong nito. 


“Nope,” mabilis niyang sagot. 


Alam niyang masama ang magsinungaling, ngunit mas nais niyang ipakita ang kanyang pride. 


“Ordinaryong halik lang naman 'yan.”  Kunwa’y balewala niyang sabi. Para tuloy gusto niyang humagalpak ng tawa sa pagsabi niya ng mga salitang iyon. 


“What?”


“Wala 'yan sa ibang halik na natikman ko.”  Ang nais niya kasi ay mabigyan ito ng impresyon na marami ng lalaki ang nakatikim sa kanyang labi.  


“Damn!” Sambit ni Nhel.


Nabigla siya sa sinambit ng binata kaya parang gusto niya tuloy aminin dito ang katotohanan na ito ang unang humalik sa kanya. 


At dahil sa nais niyang maitayo ang nagdurugo niyang pride, wala siyang lakas na loob para bawiin dito ang kanyang sinabi. 


“Kaya kung inaakala mo na naka-jackpot ka sa akin, nagkakamali ka. Para ka na lang kumakain ng tira-tira.”



Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page