top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 2, 2024



Marahas na buntong hininga ang pinawalan ni Via habang naghahanda ng almusal. Kahit na kinuha ng sapilitan ni Nhel ang kanyang ‘flower’ hindi pa rin dahilan ‘yon para hindi niya ito pagsilbihan. Asawa niya ito kaya dapat lamang na paglingkuran niya ito.


“Sapilitan ba talaga ang nangyari?” Sarkastikong tanong niya sa sarili. Napangiwi rin kasi siya dahil may nanumbalik sa kanyang isipan. Mapupusok man ang halik na ibinigay nito sa kanya, nagawa niya itong tugunin.


“Ano’ng ginagawa mo?” Tanong ni Nhel.


Para tuloy gusto niyang tumawa nang tumawa. Hindi naman kasi maipagkakaila ang panic sa boses nito, pakiwari nga niya ay takot na takot ito ng mga sandaling iyon. Para tuloy gusto niyang isipin na natatakot itong mawala siya.


“Naghahain.”


“Hindi mo kailangang gawin iyan.”


“Eh ‘di namatay tayo sa gutom kapag hindi tayo kumain,” marahan niyang sabi.


“Wala bang lason iyan?” Tanong nito.


“Natatakot ka pa lang mamatay?”


“Bakit mo naman kasi hahayaang mayroong pumatay sa’yo?” Sarkastikong tanong niya.


Gusto sana niyang sabihin kay Via na huwag makialam sa bahay dahil ang mahalaga lang naman para sa kanya ay mapagsilbihan at mapaglingkuran siya ni Via. 


“Huwag kang mag-alala hindi ako mamamatay tao at kahit pa killer ako, hindi kita papatayin dahil may pakinabang ka sa akin,” marahan niyang sabi.


“Very good.”


“Huh?” Kumunot pa ang kanyang noo. 


Ang nais niya ay insultuhin si Nhel pero parang ikinatuwa pa nito ang kanyang sinabi. “Ano’ng nakakatawa?”


“Mas magandang sabihin na nakakatuwa.”


Hindi niya alam ang ibig nitong sabihin kaya hinintay na lang niya ang paliwanag nito.

“Ano’ng nakakatuwa?”


“Iyong sinabi mo na may pakinabang pa ako sa’yo. Ibig kasing sabihin noon, maaari tayong magsama sa habambuhay.”


“Ano?” Gilalas niyang tanong sa sarili. 


Ang alam kasi niya ay maghihiganti lang ito sa kanya.

Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 1, 2024




“I hate you,” hindi napigilang sabihin ni Via kay Nhel Zamora matapos nitong makuha ang puri na pinakaiingat-ingatan niya. 


“Asawa kita kaya hindi masama ang ginagawa natin,” parang walang anumang sabi nito sa kanya.


Kung tutuusin nga ay tama ang sinabi ni Nhel, asawa niya ito kaya karapatan nitong kunin ang kanyang pagkababae. Ang hindi lang niya matanggap ay walang pahintulot niya. 


“Wala?” Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili. Hindi naman kasi siya nanlaban, at gusto niyang sabunutan ang kanyang sarili dahil sa pag-ungol na kanyang ginawa. 


“Sinungaling ka rin.” 


Parang gusto niyang pamulahan ng mukha dahil natuklasan ni Nhel Zamora ang kasinungalingan na kanyang ginawa. Gayunman, hindi siya nagpatalo rito. Matapang niyang sinabi rito ang katagang, “Manyak!”


Marahang tawa naman ang pinawalan ni Nhel at sabay sabing, “Pumayag ka rin naman ah? Hindi ko nga naramdaman na tumanggi ka.”


Hindi siya nakakibo dahil totoo naman ang sinabi ni Nhel. Wala siyang ginawang pagtutol. Sa halip, ninamnam pa niya ang mga sandali na parang mahal na mahal niya si Nhel. 


“Imposible, pinagsamantalahan mo ko!” Buong diin niyang sabi na nanginginig pa ang boses dahil talagang hindi siya makapaniwala na mawala na ang kanyang pagkabirhen. 


“Honeymoon natin ngayon.”


“Hindi ito dapat nangyari.”


“Mag-asawa na tayo!”


“Paghihiganti lang naman ang dahilan mo ‘di ba? Paano kapag nagbunga ito? Hindi mo naisip na may batang maaaring madamay! Paano pa ako makakapag-asawa nito?” Wala sa loob niyang bulalas. Nais din kasi niya na makatagpo ng taong makakasama niya habambuhay dahil ‘di rin naman niya gugustuhing tumandang mag-isa. 


“Over my dead body, my wife!” Sambit ni Nhel at para bang sinasabi nito na hindi siya papayag na magkahiwalay sila.


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 28, 2024




Naniningkit nang husto ang mga mata ni Nhel dahil sa mapang-insultong bigkas ni Via sa mga katagang “I love animals,” parang sinasabi kasi nito na animal ang pag-uugali ng binata.


“Bakit hindi ba?” Sarkastikong tanong niya sa kanyang sarili.


Kahit gusto niyang sabihin na hindi naman talaga siya masamang tao, hindi niya iyon masabi. Oo may mga legal siyang negosyo, pero marami rin siyang ilegal na hinahawakan. May mga pagkakataon pa nga na sumisira siya ng buhay ng ibang tao, tulad ng pasugalan at pagpapautang. At iyon nga ang nangyayari ngayon sa mag-amang sina Pedro at Via. Pero kung tutuusin, mabait pa nga siya sa mag-ama dahil si Via lang ang kinuha niyang kabayaran.


“Ang plano ko ay makapaghiganti,” Wika niya sa kanyang sarili.


Ayaw niyang dumating sa puntong mainlab siya sa dalaga, dahil unang kita niya pa lang niya rito ay nagustuhan na niya ito agad.


“Nagandahan lang,” inis niyang sabi sa sarili.


Wala naman talagang lalaki na hindi magkakagusto kay Via. Mestisahin, matangkad at seksi pa ito. Kung titingnan ay para nga itong isang diyosa.


Maliit pa ang mukha nito na kinalolooban ng mapang-akit na mata na may mahahabang pilik, maarkong kilay, matangos na ilong at mapanuksong ngiti.


“Damn,” inis niyang sabi sa sarili nang bumaba sa katawan nito ang kanyang isipan.


“Talagang animal ako,” wika niya saka lumapit.


“Ano’ng gagawin mo?” Takot na tanong nito sabay atras.


“Gusto mo bang malaman kung gaano ako ka-animal?” mapanganib niyang tanong sa dalaga. Bigla kasing umiinit ang kanyang ulo kapag naiisip niyang labis siyang nagagandahan dito. Hindi kasi maaaring mamayani ang kanyang emosyon.


“Tandaan mo, mabagsik ka,” wika pa niya sa sarili at iyon ang ipinaramdam niya rito.



Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page