top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 8, 2024




“Dapat ba akong masiyahan sa ipinapakitang pagmamahal ni Nhel?


Naiinis na tanong ni Via sa kanyang sarili, pagkaraan ng ilang sandali ay mariin niyang sinabi ang katagang, “Hindi”. 


“Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, baka magkatotoo ‘yan, bahala ka.” Kunwa’y sabi niya. 


“Bakit parang excited ka?” Nag-aakusang tanong ni Nhel.


Kumunot ang noo niya at sabay sabing, “Kahit kailan hindi ako nasiyahan, kapag napapahamak ang kapwa ko.” Nakasimangot niyang sambit.


“Ang akin ay akin, kaya hindi ka na nila maaagaw pa,” wika nitong titig na titig sa kanyang mga mata. 


Napasinghap naman si Via sa ginawang tugon ni Nhel, at pakiramdam niya ay parang may malaking kamay na humahaplos sa kanyang puso. Pero, hindi naman sakit ang naidudulot nito, sa katunayan, para nga siya nitong kinikiliti.


“Hindi ka pa kasi sawa sa akin ngayon.”


“Sinong nagsabi sa iyo na pagsasawaan kita?” Naghahamong tanong nito sa kanya.


Agad naman na tumaas ang kilay ni Via at sabay sabing, “Ganyan naman kayong mga lalaki. Sa umpisa lang kayo magaling.”


“Mga walang kuwentang lalaki ang tinutukoy mo.”


“At ikaw, may kuwenta ka?.”


“Kaya nga pinakasalan kita.”


“At dahil iyon sa paghihiganti mo.”


“Wrong.”


“At ano ang dahilan?” Naghahamon niyang tanong.


“Dahil gusto kita.”


“Sige nga, patunayan mo.”


“Anong gusto mong gawin ko?” Naghahamon nitong tanong.


“Ligawan mo ko.”


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 7, 2024



“DAMN!” Buwisit na sabi ni Nhel sa kanyang sarili. 


Nagmukha kasi siyang tanga ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit nagawa niyang tanungin si Via kung buntis ba ito na para bang nagsama na sila nang matagal. Para tuloy gusto niyang batukan ang kanyang sarili sa sobrang inis. 


Sa katunayan, wala naman talaga siyang plano na pakasalan si Via. Bakit naman niya gagawin iyon eh, buwisit nga siya sa kinikilala nitong ama? Pero, nang makita niya si Via, nagbago ang lahat. Noong nakita niya pa lang ito sa picture, naisip niya agad na gamitin ito para makapaghiganti sa kanyang ama. Ngunit, nang makaharap niya ito ay biglang nag-iba ang kanyang gusto. Sabi niya kasi sa kanyang sarili, mas makakabuti yata kung pakasalan ko na lang ito para mas maging maganda ang kanyang paghihiganti. 


Hindi niya lang alam kung bakit siya natigilan nang mapagtanto niyang virgin pa ito.


Hindi niya lubos akalain na sa dinami-rami niya na nakarelasyon, wala man lang siya nakuhang virgin. So, paano na siya makakapaghiganti ngayon?


“Aalis ako.”


“Saan ka pupunta?” “Maghahanap ng trabaho.”


“Sa palagay mo ba hindi kita kayang buhayin?” Nanunubok niyang tanong. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng panggigigil dahil pinagdududahan yata nito ang kanyang kayamanan.


“Hindi iyon ang iniisip ko.”


“Eh, ano?”


“Ayokong dumepende sa’yo.” Buong diing sabi ni Via.


“Asawa mo ko.”


“Pero, hindi tayo nagmamahalan, at darating din ang araw na maghihiwalay tayo,” wika ni Via.


“Over my dead body,” mariing sabi ni Nhel.


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 6, 2024



Ang nais ni Nhel Zamora ay makapaghiganti sa ama niyang nang iwan, pero hindi pananakit ng damdamin ang ginagawa niya sa anak-anakan nito.


Umagang-umaga ay nag-effort siyang bumangon para ipagluto ito ng bacon, hotdog, scramble egg at fried rice. Dahil gusto niyang kunin ang loob ni Via at kapag may tiwala na ito sa kanya, saka niya ito sasaktan. Doon, tiyak na pati si Pedro Pedral ay masasaktan din.


Napangisi siya nang maalala niyang ibinulong niya kay Pedro ang tunay niyang pagkatao. Tiyak niyang nabigla ito dahil nakita niya itong natulala.


“Good morning,” wika ng babaeng kanina pa laman ng kanyang isip. 


Gusto niya itong simangutan para maramdaman nitong hindi siya ganu’n kasaya sa presensya nito, pero parang may sariling isip ang kanyang labi dahil nagpakawala ito ng napakatamis na ngiti.


“Ako dapat ang nagluluto.”


“Gusto rin kitang pagsilbihan.”


“Hindi ba dapat kaparusahan ang ibinibigay mo sa akin?”


Natigilan siya sa sinabi nito, iyon naman kasi talaga ang plano niyang gawin. Hindi niya lang alam kung bakit hindi niya iyon magawa ngayon. 


“Saka na.”


“Kailan iyon?” Inip na tanong nito.


“Kapag sawa na ko sa’yo,”  wika niya kahit hindi niya alam kung darating ba ang panahong iyon. Ngayon pa lang kasi ay parang mababaliw na siya kapag hindi niya ito nakikita at nakakasama.


“Hintayin ko ang panahon na ‘yan.”


“At bakit?”


“Para magkaroon na rin ako ng iba.”


Malulutong na mura naman ang pinawalan ni Nhel.


“Don’t say bad words. Nakakasuka.” Oa na sabi ni Via, sabay aktong naduduwal.

“Buntis ka?”


Tumawa nang malakas si Via sa naging pagtugon ni Nhel sa kanyang ginagawa.

“Walang nakakatawa!” inis niyang sabi.


“Wala pa tayong 3 days na kinasal, tapos iisipin mo na buntis ako? Amazing!”  


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page