top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 17, 2023



ree

Gumawa ng ingay si dating Presidenteng Rodrigo Duterte nang aminin nito ang kanyang pagpondo sa nangyari noong extrajudicial killing na naganap sa Davao City.


"My intelligence funds, I used it to buy. I had all of them killed. That’s why Davao is like that. Your companions, I really had them killed. That’s the truth," saad ni Duterte sa panayam kasama si Apollo Quiboloy.


Agad na tinanggal ng SMNI Network ang video ng nasabing interview.


Hinihingi naman ng partido ng Magdalo sa pangunguna ni Antonio Trillanes IV ang suporta ni Presidente Bongbong Marcos Jr. na hayaang matuloy ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban sa mga nangyaring pagpatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.


Ayon pa sa bagong post ni Trillanes IV sa kanyang opisyal na FB page, nabigyan na raw ng pansin ng ICC ang video at ramdam niyang makakamit na ang hustisya.







 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022


ree

Si Mocha Uson ay isa nang certified “Domagoso Diehard Supporter.”


Si Uson na isang high profile supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pormal nang inanunsiyo ang kanyang pagsuporta sa presidential bid ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos dumalo sa campaign rally nito sa Kawit, Cavite.


“Alam niyo, kaya po nandito na ako ngayon, ay dahil nag ‘Switch to Isko’ na din po ako,” ani Uson sa audience.


Ayon pa kay Uson, na siyang nagpasikat ng terminong Duterte Diehard Supporters (DDS), nakikita niya ang ‘young Duterte’ kay Moreno.


“Ako po ay naririto, upang ipakita ang aking suporta sa ating susunod na pangulo, dahil nakita ko po kay Mayor Isko ang batang Pangulong Duterte,” pahayag ni Uson.


Sinabi rin ni Uson na binoto niya si Moreno noong tumakbo ito sa pagka-alkalde ng lungsod.


Binigyan naman ni Moreno ng bagong kahulugan ang acronym na DDS — Domagoso Diehard Supporters — dahil maraming tagasuporta ni P-Duterte ang nagpapahayag na ng kanilang pagsuporta kay Mayor Isko.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 20, 2022


ree

Sa kanyang pahayag sa isang press conference na ginanap sa Intramuros nitong Sabado, sinabi ni presidential aspirant Isko Moreno na ang DDS ay nangangahulugan nang “Domagoso Diehard Supporters”.


Nagsimula ang terminong DDS mula ss mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na nangangahulugang Duterte Diehard Supporters.


“Recently, yung mga DDS, nagsusuporta na din sa atin,” ani Moreno.


“Kaya nga nagkakabiruan kami minsan, pag nagke-kwentuhan kami, ang ibig sabihin ng DDS is Domagoso Diehard Supporters,” biro ng alkalde.


Pormal nang inihayag ng officers at members ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee sa pangunguna ni former Agrarian Reform chief John Castriciones ang kanilang pagsuporta kay Moreno.


Samantala, wala pang ineendorso si Pangulong Duterte sa pagka-pangulo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page