top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 17, 2022


ree

Patay ang isang family driver sa Davao City matapos umanong paluin ng cement brick sa ulo at pagkatapos ay pinutulan pa ng ari ng amo nito.


Batay sa report ng Tugbok Police Station, bandang 6:40 ng gabi nang dumating sa bahay ng kanyang amo sa Brgy. Tacunan, Tugbok District ang biktima na si Danilo Aranzo, 51, kasama ang asawa ng suspek.


Pagpasok ng bahay ay bigla nalang umanong hinampas sa ulo ng suspek na si Alexander Taclucop, 51, ang biktima gamit ang isang brick cement. 


Matapos ito ay nawalan ng malay si Aranzo saka itinali ng suspek at pinutol ang ari nito gamit ang kutsilyo.


Hindi na umabot sa ospital ang biktima at binawian na ng buhay.


Narekober sa crime scene ang kutsilyong ginamit na may 20.5 cm ang haba at ang brick cement na halos isang kilo ang bigat. 


Arestado na ang suspek at kinasuhan na ng kasong murder.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 11, 2022


ree

Arestado ang isang 27-anyos na babae matapos umanong magtangkang magpuslit ng hinihinalang shabu na nasa loob ng tinapay sa isang police station sa Davao City noong Huwebes ng gabi.


Ayon sa pulisya, nadiskubre ang hinihinalang shabu sa loob ng isang loaf bread na dala ng suspek. May timbang ito na 3 gramo at nagkakahalaga ng P48,000.


Ihahatid niya sana ito kasama ang mga personal na gamit sa kanyang kaibigang kasalukuyang nakakulong dahil sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga sa Mandug Police Station. 


Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

 
 

ni Lolet Abania | January 15, 2022


ree

Nasa tinatayang 20 kabahayan ang natupok matapos na sumiklab ang sunog sa Davao City ngayong Sabado ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection.


Sa ulat ng Bucana Fire Station, gawa sa mga light materials ang marami sa mga bahay na nasunog habang mabilis na kumalat ang apoy.


Agad na isinara ang isang bahagi ng Bolton Bridge sa Barangay 76-A ng nasabing lungsod, bandang alas-9:30 ng umaga dahil sa sunog.


Batay sa mga lumabas na video mula sa mga netizens, kitang-kita ang makakapal at maiitim na usok na nanggagaling sa ilalim ng tulay habang malalaking apoy naman ang tumutupok sa mga kabahayan.


Alas-11:00 ng umaga, idineklarang fire-out ang sunog ng BFP.


Wala namang naitalang nasaktan matapos ang sunog, subalit ayon sa mga awtoridad nasa tinatayang 23 pamilya ang nawalan ng tirahan.


Ayon pa sa BFP, posibleng ang sanhi ng sunog ay faulty wiring mula sa tirahan ng isang residente ng nasabing barangay.


Gayunman, patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang dahilan at pinagmulan ng sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page