top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | September 17, 2023




Bumaba ang insidente ng krimen sa Pilipinas sa unang siyam na buwan ng 2023, ayon sa Philippine National Police (PNP).


"Overall crime rate has a significant decrease this year. From January 1 to September 15, 2023, we recorded 11,975 fewer incidents compared to the same period last year. This represents a 7.84% drop in the crime rate," pahayag ni PNP Chief Police General Benjamin

Acorda sa Saturday News Forum sa Quezon City.


Nabatid na bumaba sa 140,778 mula sa 152,753 ang bilang ng krimen sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. “The Philippine National Police has been tirelessly working to ensure the safety and security of our beloved nation,” wika ng PNP Chief.


"Furthermore, our campaign against illegal drugs has shown remarkable progress,” saad pa ng opisyal.


Nasamsam din ng PNP ang P7.2 bilyong halaga ng ilegal na droga mula noong simula ng taong ito sa pamamagitan ng 34,496 na mga isinagawang operasyon.


"In our relentless pursuit of justice, we have made significant strides in apprehending wanted persons… we have arrested a total of 54,653 individuals, including 56 wanted persons with rewards," banggit pa ni Acorda.


Bukod dito, ang kampanya ng PNP laban sa mga loose o unlicensed firearms ay nagresulta sa pagbawi at pagsuko ng 34,404 na armas.


"To ensure the safety and security of the public, we have intensified police presence and visibility in crime-prone areas and other public convergence points," pagtatapos ni Acorda.



 
 

ni Mai Ancheta @News | September 1, 2023




Dedo ang 26-anyos na ina at dalawang anak nito na edad tatlo at limang buwan matapos gilitan ng hindi nakilalang suspek sa Bgy. Pupua, Catbalogan City, Samar nitong Miyerkules.


Batay sa report ng Catbalogan City Police, natuklasan ang pagkamatay ng ginang na si Rea Oreo at dalawang anak nang dumating ang asawang si Edito Candiz mula sa pamamasada ng tricycle.


Nakahandusay umano ang kanyang mag-iina sa labas ng kanilang bahay, yakap ng asawa ang sanggol na lalaki habang katabi naman ang anak na babae.


Ayon kay Pol. Sergeant Ronaldo Salentes, hindi pa nila matukoy ang pagkakilanlan sa suspek at kung ano ang motibo sa pagpatay sa mag-iina.



 
 

ni Mai Ancheta @News | August 18, 2023




Patay ang isang college teacher matapos tadtarin ng saksak ng hindi pa nakikilalang suspek sa Binalbagan, Negros Occidental.


Kinilala ng Binalbagan Police ang biktima na si Tony Lozaga, na nagtamo ng 16 na saksak sa katawan.


Nakita ang duguang katawan ng biktima sa labas ng kanyang boarding house at wala umanong nakapansin sa insidente.


Walang CCTV sa lugar na pinangyarihan ng insidente kaya walang makuhang lead ang mga awtoridad sa pagkakilanlan ng suspect at kung ano ang motibo sa pagpatay sa guro.


May teorya ang mga awtoridad na posibleng inabangan ang biktima kaya sa labas na ito ng kanyang boarding house pinatay.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page