top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 16, 2024




Nasawi ang isang negosyante matapos na malapitang binaril sa ulo sa isang parking area sa Tagum City, Davao del Norte.


Nahuli-cam ang 45-anyos na biktimang may kinakausap nang bigla itong lapitan ng salarin at barilin sa ulo.


Makikita sa video na tumakbo ang kausap ng biktima at nakatakas naman ang salarin na agad sumakay sa motor na dala ng kanyang kasabwat.


Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng krimen at tinutukoy pa ang mga salarin.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 10, 2023




Patay ang isang 24-anyos na lalaking Filipino-American matapos barilin sa California sa mismong gabi ng Bagong Taon.


Kinilala ang biktimang si Andrei Gianan na mula sa Torrance, California.


Kagagaling lang sa trabaho ng biktima at papunta sa isang kasiyahan para sa Bagong Taon nang bigla na lang itong barilin.


Natagpuan ang katawan ng lalaking may tama sa kanyang ulo sa Peck Avenue sa Manhattan Beach bandang 1:00 ng umaga nu'ng Enero 1.


Ayon sa kapatid ni Andrei na si Nina, ang nangyari sa kanyang kapatid ay isang walang kabuluhang akto ng karahasan na lubos na nag-iwan ng pighati sa kanilang pamilya.


Nagdesisyon naman ang pamilya ng biktimang i-donate ang mga organ nito sa nangangailangan.


Hindi pa natutukoy kung sino ang bumaril sa biktima kaya patuloy pa rin ang Homicide Bureau ng Los Angeles County Sheriff's Department sa pag-iimbestiga.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 8, 2023




Patay nang makita sa Sariaya, Quezon ang isang 7-anyos na batang babae matapos na napagkamalang manika ng isang 23-anyos na suspek.


Ayon sa report ng pulisya, pauwi na ang biktima kasama pa ang isang batang babaeng nakatakas mula sa nasabing suspek.


Nag-alok umano ang suspek na ihahatid sila sa kanilang magulang nang dalhin sila sa gubat para doon igapos at bugbugin.


Sumuko sa kapitan ng Barangay Morong ang suspek at sinabing nagdilim ang kanyang paningin dahil inakala niyang manika ang bata.


Patuloy naman ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa krimen.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page