top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 24, 2024




Inaresto ang tatlong lalaki matapos na mangholdap ng isang rider sa agaw-parcel modus sa Quezon City.


Nag-order ang isa sa mga itinuturong suspek ng pabango at inagaw sa rider ang parcel at hinoldap ito.


Makikita sa kuha ng CCTV na may kausap sa cellphone ang isang naglalakad na lalaki sa Brgy. UP Campus at maya-maya pa ay nakitang tumatakbo ito paalis sa nasabing lugar.

Umangkas ang suspek sa isang motorsiklong may sakay pang dalawang lalaki at makikitang may hawak ito sa kanyang kaliwang kamay.


Saad ng mga pulisya, nang-agaw ang mga lalaki ng parcel sa delivery rider.


Pagkukwento ng hepe ng Anonas Police Station na si Police Lieutenant Colonel Ferdinand Casiano, nag-book daw ang mga ito ng umaabok sa P3 K na pabango na agad na dineliver ng rider sa lugar at doon na siya biniktima ng holdap ng grupo.


Kalaunan ay naaresto ang tatlo sa apat na suspek na dati nang sangkot sa snatching.

Ayon sa imbestigasyon, tatlong beses na raw nasangkot sa agaw-parcel modus ang mga suspek.


Hindi naman na nabawi ang parcel pero nakuha sa mga suspek ang dalawang motorsiklong ginagamit nila sa modus.


Nakulong na dati ang dalawa sa mga suspek dahil sa droga at nakasuhan naman ang isa dahil sa pagnanakaw.


Patuloy pa rin ang paghahanap sa isang suspek habang mahaharap sa kasong Robbery in Robbery in Relation to Motorcycle Crime Prevention Act ang tatlo.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 23, 2024




Patay ang isang babaeng may lending business matapos na pagbabarilin sa loob ng sariling sasakyan sa Sto. Tomas City, Batangas.


Ang mga salarin ay mabilis na nakatakas sakay ng isang motorsiklo.


Pauwi na ang 44-anyos na biktima nang mangyari ang pamamaril sa Brgy. San Miguel.


Saad ng hepe ng Sto Tomas City Police na si Police Lieutenant Colonel Rodel Ban-o, nagmamaneho raw ang biktima nang bigla itong tutukan ng mga salarin.


Nahagip naman ng bala sa bandang binti ang kasama ng babae.


Tinitignang isa sa dahilan ang negosyong pautangan ng biktima bilang motibo sa nangyaring pamamaril.


Ayon kay Ban-o, may pinuntahang lugar sa Brgy. San Jose ang biktima kung saan nandoon ang ibinebenta ng nagkakautang sa kaniya na nireremeta na nito.


Kinukuha na umano ng babae ang property ng nagkakautang na isa sa persons of interest.


Tinitignan ng mga awtoridad ang mga CCTV camera sa paligid ng pinangyarihan para matukoy ang mga salarin.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 22, 2024




Naaresto ang isang lalaking nangbiktima ng sextortion ng kanyang biktimang nakilala niya sa social media.


Sinubukan pang manlaban ng suspek ngunit wala na ring nagawa matapos na pigilan ng tatlong pulis at padapain sa Bago Bantay sa Quezon City.


Nakuha sa lalaki ang cellphone na hinihinalang gamit nito pangkuha ng mga pribado at malalaswang video nila ng kanyang biktima.


Ayon sa pagsasalaysay ng 35-anyos na biktima na kinilala sa alyas "Francis", Disyembre 16 nu'ng nakilala nito ang suspek sa social media.


Nag-aya raw siyang makipagkita at may nangyari sa kanila ng mismong gabing iyon at doon na siya nakuhanan ng video.


Sinubukan daw i-deny ng suspek ang ginagawang pagkuha sa kanya ng video matapos niya itong tanungin at sinabing nanonood lang daw ito ng porn.


Sa kasunod na araw ng kanilang pagkikita, nagsimula na raw itong hingan si Francis ng pera para hindi nito ipakalat ang video online.


Naging araw-araw na ang panghihingi ng suspek hanggang umabot na sa P35 K.


Hindi raw sumagot ang biktima sa suspek nitong Enero dahil siya ay nag-abroad ngunit pinuntahan daw siya nito sa kanyang bahay at doon na niya pina-barangay ang suspek..

Nangako naman ang suspek sa barangay gamit ang isang kasulatan na hindi niya na uulitin ang ginawa at hindi na ito pupunta sa bahay ng biktima.


'Di pa rin dito natigil ang suspek dahil isang nagpakilalang kaibigan nito ang nag-send sa kanya ng screenshot ng nasabing video at nagsimula na ring manghingi ng pera.


Nagpasya na ang biktimang magsumbong sa mga pulis matapos siyang isali ng suspek sa isang app kung saan nag-aalok ng mga sexual services.


Agad namang ikinasa ng mga operatiba ang entrapment at kasalukuyan ng nakakulong sa Camp Crame ang suspek.


Sinampahan ng kasong robbery extortion sa ilalim ng Article 294 ng Revised Penal Code, grave coercion, at Safe Spaces Act ang suspek, ayon sa hepe ng cybercrime response unit ng PNP-ACG na si Police Colonel Jay Guillermo.


Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, mas mabigat ang parusa sa suspek kung mapatunayang guilty ito dahil gumamit ito ng social media.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page