top of page
Search
  • Mylene Alfonso​
  • Jun 7, 2020

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dr. Leopoldo Vega bilang undersecretary ng Department of Health (DOH).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pagtalaga sa chief ng Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

"Dr. Leopoldo Vega been appointed by President Duterte as Health undersecretary," ani Roque.

Nabatid na 2008 nang maging chief ng SMPC si Vega na noon ay Davao Medical Center (DMC).

Una rito, nagsilbi ang opisyal bilang medical director ng Davao Medical School Foundation medical director mula 2004 hanggang 2008.

Matatandaang dismayado si Pangulong Duterte sa DOH dahil sa nabinbing pagbibigay ng ayuda sa pamilya ng mga nasawing healthcare workers na tinamaan ng COVID-19.

 
 

Duda si Pangulong Rodrigo Duterte na handa na ang Pilipinas sa implementasyon ng online learning sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019.

Sa kanyang public address, muling nanindigan si Pangulong Duterte na hindi pa rin niya papayagan ang face-to-face classes nang walang bakuna kontra COVID-19.

"We have to wait for the vaccine. Maghintay talaga tayo sa vaccine. Sabi ko sa inyo walang vaccine, walang eskuwela,” ani Pangulong Duterte.

Sa kabila nito, ikinatuwiran ng Pangulo na nakahanda naman si Education Secretary Leonor Briones para sa online education na alternatibong pamamaraan para sa pag-aaral ng mga estudyante dahil sa kinakaharap na problema sa krisis sa kalusugan.

"We have to wait for the vaccine. It’s… Mga kapatid ko, kaigsuonan nako, maghintay talaga tayo sa vaccine. Sabi ko sa inyo walang vaccine, walang eskuwela. Nandito — sayang nandito but Secretary Briones is insisting that there should be an alternative there and she has a very good program for that, parang teleconferencing," paliwanag ng Pangulo.

"How — the technology is good. I do not know if we are ready for that. Meaning to say, if we have enough of those na gamitin para sa the whole of the Philippines," ani Pangulong Duterte. Magandang ideya umano ito at kung kakayanin ay bibili ng kagamitan ang pamahalaan para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Itinakda ng DepEd sa Agosto 24 ang pagbubukas ng klase sa bansa.

"We are talking of students here, it’s millions. Mayroon ba siya? But if she has or if we can afford it, we’ll buy it and she can proceed with the — her novel idea of how she — the children can continue with their education," dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

 
 

kinumpirma ni BOC Spokesperson at Assistant Commissioner Vincent Maronilla na 41 empleyado ng Bureau of Customs ang nagpositibo sa covid-19.

Ani Maronilla, ang rapid test sa mga ito ay sinimulan noong Mayo at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon.

Ang mga nagpositibo sa rapid test ay isinailalim naman sa RT PCR Test upang makumpirma kung positibo talaga sa covid-19.

Ang 41 na nagpositibo sa virus ay pawang asymptomatic o walang sintomas ng virus.

Naka-isolate na aniya ang mga nasabing empleyado at sumasailalim sa quarantine period.

Agad din naman aniyang nagsagawa ng contact tracing ang BOC sa nagkaroon ng close contact sa mga nagpositibo sa covid-19.

Sinabi ni Maronilla na isang empleyado naman ng BOC na ang nasawi dahil sa covid noong Marso.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page