top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 28, 2021



Labing siyam na seminarians at staff members ng Ateneo de Manila University ang nagpositibo sa COVID-19.


Isang pari ang dinala sa ospital habang ang iba naman ay asymptomatic, ani Fr. Emmanuel "Nono" Alfonso, SJ, executive director of Jesuit Communications.


Dahil hindi naman daw maaaring lumabas ang mga seminarista, hinala nila ay nagmula sa kanilang staff ang virus.


“Meron pong pumapasok siyempre 'yung mga staff, kusinero, maintenance. 'Yun po 'yung suspicion ng aming doktor baka dun po nanggaling 'yung virus," ani Alfonso.


Naka-lockdown ngayon ang tatlong building sa Ateneo kabilang ang Loyola House of Studies.


Yun po kasing mga religious priests and seminarians nga, meron silang tinatawag na community life. Sama-samang kumakain, sama-samang nagsisimba kaya medyo 'yun ang kailangan naming i-adjust," dagdag niya.


Sinabi rin ni Alfonso na lahat ng nasa campus ay bakunado kontra-COVID-19.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 28, 2021



Mayroong bagong 36 positive cases ng COVID-19 variants of concern sa Caraga, aton sa DOH sa rehiyon.


Tatlumpu't isa ay Delta variant habang 3 ay Alpha variant at Beta variant na ang iba.


Batay sa record ng DOH, 24 ang naitalang Delta variant cases sa Agusan del Sur, 5 sa Surigao del Norte, at 2 sa Surigao del Sur. May 2 kaso naman ng Alpha variant sa Agusan del Sur at isa sa Tandag City.


Tig-isang kaso naman ng Beta variant sa Prosperidad, Agusan del Sur at Tandag City.


Karamihan sa mga kaso umano ay walang travel history o close contact sa mga nagpositibo sa COVID-19.


Dalawampu't tatlo naman sa mga kaso ay hindi pa nabakunahan.


Patuloy na nananawagan ang DOH sa pagsunod sa minimum health protocol at magpabakuna sa nakatakdang schedule.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page