top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 10, 2021



May posibilidad umanong payagan ng pamahalaan na makalabas ang mga bata sa panahon ng Kapaskuhan, ayon sa Department of Health.


Ito ay kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kailangan daw na magpatuloy ang pagdating ng sapat na suplay ng COVID-19 vaccine at mabakunahan na rin ang mga menor de edad na may comorbidity, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


Sisimulan na ngayong buwan ang pagbabakuna sa mga indibidwal na nasa edad 12 hanggang 17, pero priority ang mga may comorbidity o dati nang iniindang sakit.


Pero aniya, desisyon pa rin daw ito ng inter-agency task force (IATF) on COVID-19 at mga eksperto, sabi ng opisyal.


"But looking at the case data, tinitingnan natin, kung mauumipasahan na rin ang dose with comorbidity sa mga kabataan, kung atin pong magtuloy-tuloy at mag-stablize and ating supplies, mayroon naman pong posibilidad," ani Vergeire.


“Kung magtutuloy-tuloy po iyan at maipagpapatuloy po natin ang pagkontrol nitong transmission ng sakit na ito, sana po tayo po ay lahat ay nagho-hope that by Christmas time, magkakaroon po tayo ng mas maluwag na classification and restrictions sa ating mga kababayan,” dagdag niya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 10, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ayon sa lokal na pamahalaan nitong Sabado ng gabi.


"Everyone who came in close contact with Mayor Sara in the last 14 days is hereby advised to self-monitor for symptoms and get RT-PCR tested five to seven days from your contact with her," ayon sa post sa Facebook account ng kanyang opisina.


May mild symptoms ang alkalde at ngayon ay kasalukuyang naka-quarantine.


Kahapon, nag-post ng pasasalamat si Mayor Sara sa kanyang mga supporters na nagnanais na tumakbo siya sa pagkapangulo.


“Wala man ako sa Sofitel, hinding-hindi naman kayo nawalan ng pag-asa at tiyaga sa paghihintay,” aniya sa kanyang Facebook post.


Nag-file ng certificate of candidacy si Duterte-Carpio sa pagka-mayor ng Davao City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page