top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 8, 2022



Hinimok ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga mamamayan ng lalawigan na manatili muna sa tahanan ngayong tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19.


Ito ay matapos magpahayag ni Remulla ng pagtutol sa pagpapatupad ng lockdown sa kanilang probinsiya.


Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, sinabi ni Remulla na hindi na kakayanin ng lalawigan ang panibagong lockdown at marami ang maaapektuhan.


“We cannot afford another lockdown. Masyadong maraming maapektuhan. So please take responsibility for yourself and the ones you love,” ani Remulla.


Ipinaalala rin ng gobernador ang pagbabawal sa sabong, basketball, at iba pang contact sports.


“Makakaraos din tayong lahat. Kaunting ingat lang ang kailangan. Dagdagan ang kapraningan para sa kalusugan. Have faith: The beginning of the end of all this madness is upon us,” ani Remulla.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 8, 2022



Nagpositibo sa COVID-19 si Agriculture Sec. William Dar. Ito ay kanyang inanunsiyo nitong Biyernes.


Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Dar na siya ay nakararanas ng mild na sintomas at kasalukuyang nagpapagaling.


“I wish to inform the public that I tested positive for COVID with mild symptoms, and currently recovering while in quarantine. I will continue to discharge my duties and responsibilities in the Department of Agriculture,” pahayag niya.


Nitong Biyernes, nakapagtala ang Pilipinas ng 21,819 bagong kaso ng COVID-19. Ito ang pinakamataas na bilang na naitala simula September 12, 2021 na may 21,411 cases.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 8, 2022



Nag-positibo sa random COVID-19 antigen test ang ilang pasahero ng Philippine National Railways (PNR).


Ayon sa report, 3 sa 9 na pasahero ang nag-positibo sa antigen test.


Ang mga pasaherong nag-positive ay dinadala sa holding area habang nakikipag-coordinate sa kani-kanilang LGU.


Ilang pasahero rin ang pumayag na sumailalim sa random at free testing bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


“Okay naman po makapagpaganyan para malaman kung may virus or wala,” pahayag ng isang pasahero.


“Wala ka naman sintomas bakit ka naman magpapa-test 'di ba? Ang laking abala po,” sabi naman ng isa pang pasahero.


Imposible umanong maisailalim sa antigen test ang lahat ng nagiging pasahero ng PNR, ngunit ang resulta ng random testing ay isa lamang indikasyon na posibleng makahalubilo ng isang commuter ang mga indibidwal na may Covid na walang nararanasang sintomas.


Dahil dito, mahalaga pa rin na sundin ang minimum public health protocols habang nasa pampublikong transportasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page