- BULGAR
- Jan 15, 2022
by BULGAR ONLINE | January 15, 2022

Para sa mga updates sa isyu ng COVID-19 sa Pilipinas ay manatili lamang nakatutok sa: bulgaronline.com/tutok-covid19
by BULGAR ONLINE | January 15, 2022

Para sa mga updates sa isyu ng COVID-19 sa Pilipinas ay manatili lamang nakatutok sa: bulgaronline.com/tutok-covid19
ni Jasmin Joy Evangelista | January 15, 2022

Mananatiling nakasara ang Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilalang Quiapo Church hanggang Jan. 26, 2022 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Muling isinara ang Quiapo Church noong Jan. 13, ayon kay Quiapo parish priest Msgr. Hernando Coronel.
Ayon kay Coronel, ang mga misa at devotions ay mapapanood via Facebook live.
Sinabi naman ni Douglas Badong, ang parochial vicar ng Quiapo Church, na isinara ang simbahan para sa disinfection matapos magpositibo sa Covid ng mga staff members nito.
“For sanitation, and for sensitivity na din dahil sa pagtaas ng cases, inaalala din namin ang staff at volunteers namin ang nagkaka-COVID,” pahayag ni Badong.
“Pwede naman pong mas iklian kapag bumaba pa ang kaso sa mga susunod na araw,” dagdag niya.
ni Jasmin Joy Evangelista | January 15, 2022

Magpapamigay ng COVID-19 home care kit ang Department of Health para sa Covid patients, ayon sa ahensiya nitong Biyernes.
Ang “Kalinga Kit” ay maglalaman ng limang pirasong face masks, alcohol, thermometer, paracetamol, at lagundi, ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III.
“We have already close to 35,000 put together so we’ll start distributing them. But we’re also asking well-meaning companies to help us, to co-brand DOH with them to provide home kits,” pahayag ni Duque sa isang interview.
Noong April 2021, sinabi ng ahensiya na sila ay nagde-develop ng home care package para sa COVID-19 patients, na magkakaroon ng financing mechanism.
Ang Philippine Health Insurance Corp. ay mayroong COVID-19 Home Isolation Benefit Package, na puwedeng i-avail ng asymptomatic at mild cases.
Mayroong coverage ang serbisyong ito na nagkakahalagang P5,917 per claim at may kasamang minimum 10 days consultations,
daily monitoring ng mga pasyente sa pamamagitan ng teleconsultation, at provision ng home isolation kit.
Kabilang din sa package ang patient education and referral sa higher-level faclity, kung kinakailangan.
Samantala, sinabi rin ni Duque na gumagawa na sila ng aksiyon upang mapababa ang presyo ng COVID-19 tests.
“We’ll review again because we need to scope the market. We will see more and more players, testing kit manufacturers in the market. I’m sure this is going to push the prices down,” aniya.




