top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 20, 2022



Kasunod ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay tumataas na rin ang kaso sa mga probinsiya dahil sa mas nakahahawang variant na Omicron.


Ayon sa Department of Health (DOH), pinaghahanda na nila ang mga provincial hospitals dahil inaasahan nilang magkakaroon din ng surge sa iba pang rehiyon.


Sa Cebu, nagsimula nang tumaas ang kaso sa mga ospital gaya ng Perpetual Succour Hospl.ita Isa pa nilang pangamba ay ang pagdami ng frontliners na nagkakasakit.


“‘Yun ang nakakatakot dahil kahit merong capacity tayo bed wise, pero pag wala na ang manpower doon tayo mahihirapan," ani Dr. Ma. Bernardita Sarcauga-Chua, co-chair ng COVID task force ng Perpetual Succour Hospital.


Ramdam na rin ang pagtaas ng kaso sa Zamboanga del Sur Medical Center.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 20, 2022



Nakapagtala ng 68 bagong kaso ng COVID-19 sa Subic Bay Freeport nitong Miyerkules, Jan. 19, kung saan umabot na ng kabuuang 101 ang active cases kabilang ang mga free port workers, mga residente, at mga empleyado ng Subic Bay Metropoligan Authority (SBMA).


Sa isang advisory nitong Miyerkules, sinabi ng SBMA na 54 sa mga infected ay free port residents, 8 guests o transient workers, at 6 government employees.


Ang pinakabata sa mga nagpositibo ay isang 1-year-old na batang lalaki habang ang pinakamatanda ay 54-anyos na babae na pawang mga residente sa lugar.


Karamihan sa mga pasyente ay nakararanas ng mild symptoms at kasalukuyang naka-quarantine. Isasagawa na rin ang contact tracing.


Kahapon din ay na-clear na sa virus ang 16 residente at mga empleyado ng SBMA.


Mula nang magsimula ang pandemya ay nakapagtala na ng 720 confirmed COVID-19 cases ang free port kung saan 584 ang naka-recover at 12 ang nasawi.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 19, 2022



Nagpositibo sa COVID-19 ang top diplomat at adviser to Pope Francis ng Vatican na si Cardinal Pietro Parolin, ayon sa report nitong Martes.


Ang 67-anyos na cardinal na siyang Vatican Secretary of state at pangalawa kay Pope Francis ay kasalukuyang naka-isolate at nakararanas ng mild symptoms, ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni.


Nagpositibo rin si Venezuelan archbishop, Edgar Pena Parra, ang Vatican's deputy secretary of state, pero ito ay asymptomatic, ayon kay Bruni.


Sina Parolin at Parra ay parehong bakunado.


Madalas umanong nakakasama ng Santo Papa si Cardinal Parolin na siyang itinuturing na kanang kamay ni Pope Francis.


Nauna nang ni-require ng Vatican ang mga empleyado nito na magpabakuna kontra-COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page