top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 24, 2020




Nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa ilang producers ng COVID-19 vaccines katulad ng Sinovac, AstraZeneca, at Pfizer, ayon sa vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez, Jr. sa naganap na national speech ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes nang gabi.


Aniya, “Meron po tayong 17 na vaccines na ina-analyze and then, ito po ‘yung isinabmit po natin dati. Sa 17 po na ito, siyam po rito ang nasa c at lima ang magta-trial po rito sa Pilipinas kasama na po ang Sinovac, Janssen… Ang Janssen po, ‘yun po ‘yung Johnson & Johnson, and then Gamaleya, AstraZeneca at saka ito pong CanSino.”


Aniya pa, “Sa ngayon po, puwede na po tayong… nagne-negotiate na po tayo sa apat na malalaking kumpanya, kasama na po ang Sinovac from China, AstraZeneca, at saka po ‘yung Pfizer.


“Sa AstraZeneca po, puwede na po tayong magkaroon ng tinatawag na advanced commitment by November. Meron po tayong tinatawag na negotiation at ang kanilang quota po, malaki po na 20 million doses at ang AstraZeneca po, maganda po kasi non-profit po ang sa kanya at pinakamababa po ‘yung kanyang presyo, more or less five dollars lang po. At medyo maganda na po ang discussions.” Saad pa ni Galvez,


“Maganda rin po dahil g-to-g na rin po ang ginagawa nating transactions katulad po ng nangyari sa AstraZeneca, pumunta po rito ang kanilang minister, ang kanilang foreign minister at nakipag-usap po sa amin ni SFA, ni Secretary Locsin at saka ni SOH at handa po sila na kapag nag-roll out po ‘yung kanilang kumpanya sa British government, pupunta po rito ‘yung mga military at saka mga logistic personnel po nila para tulungan tayong mag-roll out din dito.”


Bukod sa AstraZeneca ay nakikipag-ugnayan na rin ang mga opisyal sa manufacturers ng Sinovac at Pfizer. Saad pa ni Galvez, “Just in case na makuha po natin ‘yung tatlong ito, makakabuo po tayo ng 60 million next year, so ibig sabihin, meron na po tayong magandang mga vaccine na nakita natin na safe, cost effective, at saka po… maganda ang kanilang performance.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 11, 2020




Uutang ang pamahalaan ng mahigit $300 million na katumbas ng halos P15 bilyon upang makabili ng COVID-19 vaccines, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes sa kanyang weekly address.


Aniya pa, “[Finance Secretary Carlos Dominguez III] says that he can borrow money of $300 million plus… US dollars… so malaki ‘yan. Makapamili tayo but I think it would do as well to also realize that unahin talaga nila (vaccine manufacturers), ‘yung mga tao nila.”


Aniya pa, “Sa ngayon, magbili ka, mahal. As I have promised, gastos ng gobyerno itong bakuna para sa lahat ng Pilipino kaya nga uumpisahan natin sa mga mahihirap pataas na ano… It starts with the A, B, C, D, E. The lowest is E, ‘yun talagang mahihirap na wala.


Then, paakyat tayo dahan-dahan sa D then ‘yung C, medyo hindi na. Sobra na ‘yung $300 million ni Secretary Dominguez. Hindi na tayo maggastos d’yan kasi may mga pera na ‘yan. A, B, ‘yun ‘yung mga milyonaryo, mga multimillionaire.


“‘Yung mga nasa C, they are in a bracket which we think is pretty good for them to buy the medicines for themselves.” Samantala, kung kelan, maghintay lang tayo. Ang suplay ang problema. Natural mente unahin niya ang tao niya

 
 
RECOMMENDED
bottom of page