top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 11, 2022


ree

Magsasagawa ng nighttime vaccination ang Tarlac provincial government para sa mga empleyadong hindi makapagpabakuna kontra COVID-19 dahil sa schedule ng pasok sa trabaho.


Sa isang pahayag ngayong Biyernes, Feb. 11, sinabi ng provincial government na gaganapin ang pagbabakuna sa Maria Cristina Park sa harap ng provincial capitol tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula 6 p.m. hanggang 9 p.m. Puwede ring magpaturok ng booster shots.


Layon ng “Resbakunight” na mahikayat ang mga hindi pa bakunado dahil sa job-related issues.


Nasa 920,594 Tarlac residents na ang fully vaccinated as of Thursday. Ito ay 61.2 percent ng 2020 population ng lalawigan na nasa 1,503,456.


Nasa 89,245 residents naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna at naghihintay na lamang para sa 2nd dose.


Nitong Huwebes, nakapagtala ang Tarlac ng 46 new patients, 79 recoveries, at zero deaths. Ang aktibong kaso rito ay 359.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 9, 2022


ree

Magsasagawa ng COVID-19 vaccination sa mga bahay ang Castillejos, Zambales LGU ngayong Miyerkules, Feb. 9, para sa mga bedridden at senior citizens.


Sa inilabas na advisory nitong Martes, sinabi ng lokal na pamahalaan na puwedeng i-register ng kaanak ang mga indibidwal na kabilang sa nasabing kategorya sa mga barangay health stations o ipagbigay-alam sa vaccination team sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang hotline.


Patuloy naman ang mass vaccination sa general population ng naturang bayan kung saan puwede ang mga walk-in sa first dose at booster shots.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 9, 2022


ree

Mayroong ilang pagbabago sa Vaxcert.PH kaya nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology na kailangan itong muling i-download ng mga nauna nang nakakuha.


"We're in talks with European Union na magkakaroon ng bilateral acceptance between our vax cert at maraming European countries. So dito sa added features, puwede na syang mabasa apart from the many countries that are already accepting our vaxcert," ani DICT Acting Secretary Manny Caintic.


"Sa atin namang gumagamit for local, the IATF resolution said naman na puwede pa ring gamitin ang vax card kung 'di dala ang vax cert. We are encouraging na mag-download ng bago. Mabilis lang naman. It's a 2-minute step."


Sa pahayag ni Caintic sa isang radio interview, sinabi nitong nagdagdag sila ng panibagong security features, at mas marami na ring bansa ang tatanggap nito dahil isinama na rito ang mga bansa mula sa Europa.


Kabilang din sa added feature ang detalye kung naturukan na ng booster dose kontra COVID-19.


Paliwanag pa ng DICT, hindi na mababasa ng mga QR scanner ang lumang version ng Vaxcert.PH kaya hinihikayat nila ang publiko na mag-download na ng bagong bersiyon nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page