top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 2, 2021



ree

Anim ang positibo sa kauna-unahang South African variant ng COVID-19 sa bansa, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Health ngayong umaga, Marso 2.


Batay sa ulat, dalawa sa nagpositibo ay mga balikbayan at ang 3 ay residente sa Pasay City. Samantala, inaalam pa ang pinanggalingang lokasyon ng isa.


ree

Nakarekober na mula sa bagong variant ang 40-anyos na lalaking taga-Pasay habang nagpapagaling pa ang dalawa.


Nakolekta ang mga samples nila noong Enero 27 hanggang Pebrero 13.


Kaugnay nito, umabot na sa 87 ang kabuuang bilang ng UK variant COVID-19 sa bansa kung saan 30 ang nadagdag.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 27, 2020


ree


Posibleng isailalim muli ang Pilipinas sa strict lockdown kung makakapasok at kakalat sa bansa ang bagong COVID-19 strain mula sa United Kingdom, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Sabado.


Aniya, “Actually, [a] lockdown is a possibility. I said we are making some projections, but if the severity in numbers would demand that we take corrective measures immediately, then we just have to go back to lockdown.


“'Pag dumami sila with the new strain, and in the meantime that we are not able to confront them effectively, I mean the virus, we'll just have to… tama iyan na it depends on the severity in number.


Kasi kapag marami na and we do not have the antidote on how to kill those variants, we’re going to have a problem there.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page