top of page
Search

Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasan ang pagsasagawa ng mass protests ngayong umiiral ang general community quarantine (GCQ).

Bilang responsableng mamamayan dapat umanong iwasan ang lahat ng gawain na posibleng magdulot ng human to human transmission ng COVID-19.

Dahil umano sa isinagawang mass action, nakompromiso ang public health at kapakanan maging ng mga ralista.

Una nang dinakip ang pitong estudyante na miyembro ng progresibong grupo makaraang magsagawa ng kilos-protesta para kondenahin ang Anti-terrorism bill sa harapan ng University of the Philippines (UP) sa Cebu.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Melbert Esguerra, nilabag ng mga nagprotesta ang pagbabawal sa mass gatherings.

Aniya, binigyan lamang nila ng 10-minuto ang mga estudyante para mag-disperse subalit, hindi sumunod.

 
 
  • Madel Moratillo
  • Jun 6, 2020

Umakyat na sa 20,626 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health, ito ay matapos silang may maitalang 244 na karagdagan pang kaso.

Pero sa bilang na ito ay 168 ang fresh cases habang 76 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases na ito, 24 ang mula sa National Capital Region, 127 sa Region 7, ang 17 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

Sa mga late cases naman, ang 24 ay mula sa NCR, 11 naman sa Region 7, 41 naman sa iba pang lugar sa bansa.

May 82 namang naitala na bagong nakarekober mula sa covid-19.

Kaugnay nito, umakyat na sa 4,330 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus. Habang may 3 namang naiulat pang nasawi dahil sa covid-19.

Sa kabuuan, nasa 987 na ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa covid-19.

 
 

Umaasa ang pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) na maidedepensa ng Pilipinas ang titulo nito sa 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam sakaling matuloy ito sa kabila ng coronavirus disease pandemic.

Inihayag ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na malaki ang tsansa na matuloy ang biennial meet sa susunod na taon dahil sa maayos na paghawak ng pamahalaan ng Vietnam sa kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa, kung saan sinabi ni Tolentino na na-blangko na nila ang bilang na ito sa ngayon.

Gayunman, inamin din ng pinuno ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (Philcycling) na pinangangambahang mabawasan ang mga sports event sa susunod na stage na hindi pa rin napag-uusapan dahil hindi pa naite-turnover ng opisyal sa Vietnam ang SEA Games flag na naudlot nitong Abril o Mayo dahil sa COVID-19.

“Definitely matutuloy iyong (SEAG) sa Vietnam, kase zero ang case nila,” pahayag ni Tolentino. “Na-islash ng 50% ang budget ng Vietnam, so ang epekto nu'n mababawasan 'yung events sa SEAG,” dagdag nito.

Inaasahan na ni Tolentino na pipiliting makuha ng Vietnam ang overall na kampeonato sa kanilang muhon, lalo pa’t karaniwang nagwawagi bilang kampeon ang host country sa regional meet. Sa kasaysayan ng SEAG simula noong 1959, 13 beses na naagaw ng katunggaling bansa sa host country ang titulo, kung saan 13 ulit na nagkampeon ang powerhouse na Thailand na sinundan ng Indonesia sa top 10.

Idinagdag pa niya na marami ang mawawala sa mga events na malakas ang Pilipinas hindi tulad sa nagdaang 30th edisyon na may 56 sports events na ginanap noong Nobyembre-Disyembre sa iba’t ibang parte ng Luzon.

Noong 2003 Vietnam Games ay napagwagian ng host country ang biennial games sa pamamagitan ng kabuuang 346 medalya sa 158 golds, 97 silvers at 91 bronze medals, na may 442 events sa 32 sports na nagawang hatiin ang mga laro sa Hanoi at Ho Chi Minh City.

Sa pagkakataong ito ay malaki ang posibilidad na ilagay ng Vietnam ang mga paborito nitong sports na Shuttlecock at Martial Arts na Vovinam, habang, nanganganib ang bansa na maisama ang mga pampalakasan na walang nakuhang ginto ang Pilipinas sa badminton, bowling, chess, football, handbell, netball, table tennis at volleyball.

“Lalaban tayo siyempre, pero panigurado hindi papayag ang Vietnam na matalo,” aniya, na nangakong gagawin niya ang lahat para mai-lobby ang Dancesports, Arnis, Kickboxing at Obstacle course kung saan humakot ang Pilipinas ng sangkaterbang gintong medalya para makuha ang ikalawang overall title nito sa kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals.

“Basta kung kaya nating ipadala, susubukan kong i-lobby ‘yung mga malakas tayo o 'di kaya ay hanggang kaya natin salihan, salihan natin lahat, kahit pa 'di natin masyadong nilalaro,” dagdag nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page