top of page
Search
  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Oct 24, 2020

Positibo sa COVID-19 si Polish President Andrzej Duda, ayon kay Poland Presidential Minister Blazej Spychalski sa kanyang Twitter account nitong Sabado.

Aniya, "The president yesterday was tested for the presence of coronavirus. The result turned out to be positive. The president is fine. We are in constant contact with the relevant medical services.”

Hindi malinaw kung kailan na-infect ng Coronavirus si Duda ngunit dumalo ito sa investment forum noong Lunes sa Tallin kung saan nakipagkita siya kay Bulgarian President Rumen Radev na sumailalim sa quarantine.o, Northern Mindanao at Caraga.

 
 

Babalik na ang “angkas”.

Dapat lang!

◘◘◘

Malaya na ang mga tao na makalabas.

Pero nilalangaw pa rin ang mall!

◘◘◘

Malaya nang bumiyahe ang mga Pinoy.

Pero, walang tao sa airport terminal!

◘◘◘

Nagkukusa ang tao na hindi lumabas ng bahay.

Wala kasing datung!

◘◘◘

Kahit gawing mamiso ang tindang damit, wala pa ring bumibili.

Naalala ko ang kuwento na aking Tatang Sucing at Inang Talia sa pagdarahop sa Panahon ng Hapon, kahit gawing mamiso ang presyo ng isang kalabaw noon, wala pa ring pumapakyaw!

◘◘◘

Ang takot ng tao na lumabas ng bahay ay magbubunsod ng krisis sa ekonomiya.

Ngayon, ang gobyerno mismo ang humihimok sa populasyon na lumabas ng bahay pero hindi ito pinakikinggan.

‘Yan na ang aktuwal na krisis!

◘◘◘

Hindi lalabas ang mga tao sa kalye dahil sarado ang mga pabrika at kumpanya.

Sarado ang negosyo — kaya’t walang obrero sa kalye!

◘◘◘

Walang gaanong trapik—at natupad ang dasal ninyo.

Walang trapik sapagkat hindi umaandar ang ekonomiya.

Ang heavy traffic ay indikasyon ng malusog na ekonomiya.

Walang trapik ngayon, indikasyon ito ng aktuwal na krisis!

◘◘◘

Nagkamali ang gobyerno sa pananakot at pagpaparalisa ng ekonomiya.

Kahit naparalisa ang ekonomiya, hindi naman napatay ang COVID.

Ang napatay ng gobyerno ay ang sarili nilang ekonomiya!

◘◘◘

May bakuna na kontra COVID next year.

Pero, walang “bakuna” laban sa lugmok na ekonomiya!

◘◘◘

Paano na ang Pasko?

Paano na ang New Year?

Walang Pasko tulad ng paglalaho ng Holy Week at All Saints Day!

◘◘◘

Kapag walang “Holidays”, kailan pa makakaahon ang ekonomiya?

Kailan?

◘◘◘

Santambak ang reserve dollars sa gusali ng Bangko Sentral.

Bakit?

Wala kasing negosyo na patok, lahat ay nakatameme sa loob ng bahay—kapitalista at konsiyumer!

◘◘◘

Unprecedented, walang kamukha, walang katulad at walang modelo na makokopya kung paano maiaahon sa krisis ang bansa at buong daigdig.

Dahil walang hulmahan, kopyahan at padron—walang malinaw na solusyon ang krisis sa 2021!

◘◘◘

Ano’ng klase ng eleksiyon ang naghihintay sa mga susunod na taon? Surpresa.

Maaaring magwagi ang mga dati nang mayayaman at magnanakaw na pulitiko.

Pero, maaari ring biglang mahalal—ang mga sorpresang kandidato mula sa kawalan

 
 

Umakyat na sa 21,895 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health, ito ay matapos silang may maitalang 555 na karagdagan pang kaso. Pero sa bilang na ito ay 378 ang fresh cases habang 177 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases na ito, 67 ang mula sa National Capital Region, 104 sa Region 7, ang 204 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa, 3 naman mula sa hanay ng repatriates.

Sa mga late cases naman, ang 25 ay mula sa NCR, 63 sa Region 7 at 89 naman sa iba pang lugar sa bansa.

May 89 namang naitala na bagong nakarekober mula sa covid-19. Kaugnay nito, umakyat na sa 4,530 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

Habang may 9 namang naiulat pang nasawi. Lumagpas naman na sa 1,000 ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa virus na sa kabuuan ay nasa 1,003 na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page