top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 30, 2023



ree

Nangako ang Department of Education (DepEd) ngayong Lunes na bibigyan ng tulong medikal at insurance ang mga guro na naglingkod para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Sinabi ni Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, sa mga mamamahayag sa tanggapan ng Commission on Elections na bukod sa mga benepisyo na ibinibigay ng Comelec, ibibigay din ang tulong medikal at personal accident insurance sa kanila.


Dagdag pa niya, nakipag-ugnayan na ang DepEd sa Comelec upang tiyakin na makukuha ng mga BEI ang kanilang honoraryo para sa tungkulin sa halalan.


Nagkakahalaga ito ng P9,000 hanggang P10,000. Sa kasalukuyan, pinoproseso na ng DepEd ang mga kailangan para sa mas maagang pagpapalabas ng honoraryo.


Ang benepisyo para sa may mga tungkulin sa halalan ay dapat mailabas sa loob ng 15 araw.







 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 30, 2023



ree

Umabot na sa 292 ang mga kandidato sa Abra na umatras sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE), ayon sa Philippine National Police ngayong Lunes.


Sa isang press conference, sinabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. magkasama sila ni chairperson ng Commission on Elections (Comelec) George Garcia na nagtungo sa lalawigan noong Linggo upang suriin ang sitwasyon.


“We were personally briefed together with the Comelec chairman doon. And we itemized iyong mga nag-withdraw na candidates. Actually a total of 292 iyong nag-withdraw doon,” ani Acorda.


Ayon sa PNP chief, ilang mga kandidato ang umatras dahil sa alegasyon ng mga banta.


Bukod sa mga kandidato, may ilang guro na itinalagang maging mga miyembro ng electoral board ang umatras din sa Abra. Sinabi ni Acorda na 39 miyembro ng pulisya ang itinalaga bilang mga kapalit na miyembro ng board.


Nagpadala ang PNP ng karagdagang 352 na miyembro ng pulisya sa Abra.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 25, 2023


ree

Laglag ang mga kandidato ng barangay at Sangguniang Kabataan na may mga kaso kahit pa manalo, ayon sa Commission on Elections (Comelec).


Nakapaloob sa Comelec Memorandum No. 231111, na ipagpapaliban muna ang proklamasyon ng mga nanalo na sangkot sa mga hindi naresolbang kaso at puwede ring mabawi ang kanilang pagkapanalo.


Awtorisado rin ang mga kasalukuyang nakaupo sa pagbawi ng proklamasyon ng mga kandidatong lalabag sa mga kwalipikasyon.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page