top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 31, 2023



ree

Inaasahan ng Commission on Elections na mas maraming botohan ang isasagawa sa mga shopping mall sa taong 2025, dahil may interes ang mga developer na maglaan ng mas maraming espasyo para sa pangkalahatang halalan.


Nagsagawa ang Comelec ng tested mall-voting noong Lunes sa kasagsagan ng botohan sa Pilipinas para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa unang barangay elections matapos ang taong 2018.


"We have several partners already intimating to us that they'll be providing more malls," sabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa "Headstart" ng ANC.


Dahil sa limitadong implementasyon ng pilot test, kinailangang i-transport ang mga balota sa mga paaralan para sa pagbibilang ng mga boto, subalit sinabi ni Laudiangco na umaasa siya na buong proseso ng pagboto at pagbibilang ay magagawa sa mga mall sa taong 2025.


Nasa 60,000 botante ang itinalaga sa mga polling precinct sa mga mall sa Metro Manila, Cebu City, at Legazpi City noong Lunes.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 31, 2023



ree

Nakatakdang bumoto ngayong araw ang anim na Barangay sa Lanao del Sur at Samar na hindi nakaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections nu'ng Lunes.


Ayon sa Commission on Elections (Comelec) chairman na si George Garcia, nagkaroon ng aberya ang pagdating ng mga kagamitan para sa halalan sa anim na barangay nitong Oktubre 30.


Dagdag niya, may isa pang brgy. sa Calbayog City ang boboto ngayong araw sapagkat may nangyaring putukan kahapon bago pa madala ang mga gamit sa mga presinto.


Agad namang nasabihan ang mga apektadong brgy. na naka-schedule ang kanilang pagboto para sa BSKE ng 7 a.m.-3 p.m. ngayong Martes.




 
 
  • BULGAR
  • Oct 31, 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 31, 2023



ree

Inulat ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes na 19 katao ang namatay at 19 iba pa ang nasugatan sa halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan ngayong taon.


“[There are] 29 incidents resulting in 19 deaths and we have 113 others which not necessarily resulted in deaths but are incidents which are still being validated," pahayag ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa ANC.


"For the confirmed injuries related to the elections, [there are] 19," dagdag niya.


Walang ibinigay na detalye ang opisyal tungkol sa mga pagkamatay na may kaugnayan sa eleksyon.


Sinabi ni Laudiangco na bagamat "medyo mababa" ang mga numero kung ikukumpara sa nakaraang barangay election noong 2018, patuloy pa ring sanhi ng alalahanin ang mga bilang na ito.


"We really have to improve this situation. We have to…normalize elections to the people that it must not result in any form of violence," sabi ni Laudiangco.


Sa naunang datos ng pulisya, naitala na walo katao ang namatay at pito ang sugatan sa karahasan na may kaugnayan sa eleksyon mula Agosto 28 hanggang Oktubre 25.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page