top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 3, 2024



ree

Kinakalampag ng mamamayan ng Ibabang Pulo, Pagbilao Quezon si Chairman George Garcia ukol sa disqualification case na inirekomenda ni Provincial Elections Supervisor Atty. Allan Enriquez laban kina Brgy. Chairman Gina Amandy at Kagawad Arnel Amandy ng Brgy. Ibabang Pulo, Pagbilao, Quezon.


Napag-alaman kasing naiproklama na ang dalawa kahit may election violations ang mga ito tulad ng paglalagay ng mga oversized tarpaulins. Inaalam ngayon ng ilang nagpoprotesta kung kailan maaaksiyunan ang mga isinampang kaso sa dalawa.


Matatandaang nagpahiwatig na noon si Chairman Garcia na hahabulin pa rin ng Comelec ang lahat ng may campaign violations kahit naiproklama na ang mga ito.


Bukas ang pahinang ito para sa panig ng dalawang inirereklamo.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 3, 2023



ree

Isang sunog ang sumiklab sa lokal na opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Margarita, Samar, ayon kay poll chairman George Garcia ngayong Biyernes.


Ani Garcia, walang dapat ipag-alala dahil tapos na ang proklamasyon ng mga nanalong opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa Sta. Margarita.


"'Yung kopya ng certificate of canvass of votes, ang proclamation ng mga barangay at SK ay intact," dagdag niya.


Noong Miyerkules, inihayag ng Comelec na tapos na ang botohan at pagkuha ng resulta sa lahat ng mga barangay.


Naganap ang BSKE noong Oktubre 30, maliban sa pitong mga barangay sa Lanao del Sur at Samar na isinagawa ang halalan kinabukasan.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023



ree

Hindi makakatanggap ng karagdagang bayad ang mga gurong nag-overtime para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil sa kakulangan sa badyet at sa patakarang nilapag ng Commission on Audit (COA).


Ito ang tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) sa kabila ng hiling ng Teachers Dignity Coalition (TDC) na bigyan ng pondo ang poll body para sa overtime pay ng mga guro.


Isang sulat ang ipinadala ng TDC National chairperson na si Benjo Basas kay Comelec Chairperson George Garcia nu'ng Oktubre 31 kung saan hinikayat nila ang Comelec na magbigay ng opisyal na resolusyon para sa overtime pay ng mga guro.


Ngunit ayon kay Garcia, kahit pa gustuhin ng ahensiya na magbigay ng dagdag na bayad, may ibinaba ang COA-DBM circular na nagsasabing ang mga empleyado lang ng isang ahensiya ang maaaring humiling ng overtime pay, at kulang din umano ang badyet na kanilang natanggap para rito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page