top of page
Search

Nitz Miralles / Bida

Mapapanood na rin sa free TV ang hottest Korean actor ngayon na si Hyun Bin ng hit K-drama na Crash Landing on You dahil ibabalik ng GMA-7 ang Secret Garden na pinagbidahan din ni Hyun Bin.

Kung sundalo sa CLOY si Hyun Bin, sa Secret Garden ay CEO siya ng isang high-end department store.

Leading lady ni Hyun Bin sa Secret Garden si Ha Ji Won sa role ng stuntwoman sa isang action school.

Sa paggu-Google namin, nalaman naming kasama sa cast ng Secret Garden si Son Ye Jin, ang leading lady ni Hyun Bin sa CLOY, pero supporting ang role at hindi siya ang lead actress.

O, ‘di ba, after ilang years, nagkasama sina Hyun Bin at Son Ye Jin sa CLOY na nagustuhan ng lahat at marami ang kinilig?

Ipinakita na ng GMA-7 ang short teaser ng Secret Garden, pero hindi pa sinabi kung kailan ang airing nito. Most probably, ito ang papalit sa The Last Empress na airing pa ngayon.

 
 

Nitz Miralles / Bida

May online show na rin si Vice Ganda na nagsimula noong Saturday. Titled Gabing-Gabi Na, Vice, hindi lang saya ang kanyang hatid kundi pati pera.

Ikinuwento ni Vice ang quarantine life niya kasama ang boyfriend na si Ion Perez. Napanood ang online show ni Vice Ganda sa FB Live ng Vice Ganda fan page.

Sabi ng mga nakapanood, excited si Vice na makipagtsikahan sa kanyang mga supporters na nami-miss siya at ang kanyang mga jokes.

Pati kay Vice, maraming humihingi ng financial help at may sagot siya rito, “Patawarin mo ‘ko kundi ko kayang solusyunan ang lahat ng ito. Ang maiaambag ko lang ay kung ano ang kaya ko at meron ako. Kaya naisip kong mag-spread ng positivity dahil baka sa iba, makatulong ito.”

 
 

Nitz Miralles / Bida

Aabot sa 200 street dwellers na kinupkop ng Paco Catholic School ang tinulungan ni Alden Richards.

Kaya, masayang nagpasalamat sa aktor ang mga ito via video message na ang Paco Catholic School ang nasa likod.

Inisip siguro ng admin ng dating school ni Alden na mas maganda kung ang mga natulungan mismo ng Pambansang Bae ang magpapasalamat sa kanya.

“Former student” ang naging description kay Alden ng Paco Catholic School at Richard Faulkerson pa ang itinawag sa kanya.

Napanood ni Alden ang pagkupkop ng Paco Catholic School sa mga street dwellers nang i-report ng 24-Oras kaya mabilis siyang tumulong.

Ang sabi pa, pati ang mga kinupkop ng Don Bosco Makati ay tinulungan din ng aktor, kaya sila man ay nagpasalamat.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page