top of page
Search

Samu't sari ang problema ngayon ng gobyerno.

Nakumpirma kasi ang local transmission ng COVID-19!

◘◘◘

Inaakala ng marami na dahil walang ulat ng bilang ng pasyenteng may COVID-19 sa Pilipinas ay talagang hindi nakapasok ang virus sa ating bansa.

Maaaring itinatago lang ang ulat, o mahina ang pasilidad sa bansa!

◘◘◘

Sa Indonesia ay walang ulat na nakapasok ang COVID-19, pero ayon sa mga eksperto — dedma lang ang gobyerno at walang laboratory test na isinasagawa.

Ibig sabihin, ang COVID-19 ay itinuturing na ordinaryong trangkaso lang sa Indonesia — kaya walang kaso!

◘◘◘

Hindi na isyu ngayon kung ang pasyente ay nagmula sa Wuhan, China. Sa aktuwal, karaniwang nahahawa ng sakit — ay hindi bumiyahe sa China. Ibig sabihin, ang COVID-19 ay nakakalat na sa buong mundo at aktuwal nang may local transmission sa iba’t ibang bansa kasama ang Pilipinas.

‘Yan ang istorya!

◘◘◘

Naglunsad ang 40-miyembro ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil) ng National Planning Workshop sa SBMA, Zambales.

Pinamunuan ito ni MMDA Chairman Danny Lim at founding president na si Vice-Mayor Aljun Diamante!

◘◘◘

Naglatag ang POLPhil ng strategic plan for Philippine Development sa isang workshop na may temang “Navigating Adversity Through Unity and Strategic Partnerships”. Binuksan ang workshop kamakalawa, Marso 6 at magtatapos ngayong Marso 8 sa White Rock Beach Resort sa Subic Bay. Congrats po!

◘◘◘

Sa totoo lang, dapat makatuwang ni P-Digong ang mga batikang political officers upang mamulat ang mamamayan sa napapanahong ideolohiya na dapat yakapin ng ating bansa.

Walang matinong pagbabago sa alinmang bansa nang walang ideolohiya!

◘◘◘

Mahalagang maunawaan ng lahat kung ano ang kahulugan ng ideolohiya.

Marami ang dakdak nang dakdak pero hindi nauunawaan ang ideolohiya at kung ano ang papel nito sa marahas na pagbabago sa lipunan!

◘◘◘

Nalipasan ng panahon ang mga umiiral na ideolohiya at natuklasan — walang perpekto sa mga ito.

Ang kabulukan ng gobyerno sa iba’t ibang bansa ay ebidensiya na bigo ang demokratikong gobyerno at maging ang komunismo o sosyalismo na proteksiyunan ang nakararaming mamamayan!

◘◘◘

Ang ideolohiya na umiiral ay ginagamit lamang na kasangkapan ng mga lider upang makontrol ang gobyerno at buong mundo para sa kapakanan at benepisyo ng iilang bilyonaryo.

Hanggang ngayon, busabos pa rin ang mayorya ng populasyon sa buong daigdig dahil sa lipas nang ideolohiyang niyayakap sa iba’t ibang sulok ng daigdig!

 
 

ITINUTURO ang U.S. na orihinal na pinagmulan ng COVID-19. Huh, hindi nga? **** FIFTY percent ang mortality rate ng COVID-19 sa Iran. Malilipol nito ang Islamic Republic! **** SINUSURI ng mga eksperto kung may nagaganap na biological warfare na magpapaguho sa China at Iran. Kawawa naman ang mga sibilyan! **** MAY lihim na pagkilos laban sa hayrarkiya ng Beijing at Teheran. Hintayin natin kung magki-click! **** GIYERA-patani sa Kamara. Sino ang unang tutumba? **** IN-AMBUSH si Kim Chiu. Presto, sikat na sikat na naman siya! **** NILILIGAWANG muli ng U.S. si P-Digong. Kiyeme-kiyeme bago kere. He-he-he! **** TAMEMENG muli ang isyu ng Pastillas Scheme sa Immigration. Baka nakatikim ng “yema balls”? **** SOBRANG init na naman. Paktay ang virus! **** BAGSAK ang negosyo sa buong mundo. Damay ang mga Pinoy! **** MALULUGI ang Tokyo Olympics ngayong taon. Dapat muna itong ipagpaliban! **** USO na naman ang nakawan sa Metro Manila. Pukawnamooo! **** NAOSPITAL si PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa nang bumagsak ang chopper na sinakyan niya. May bertud siya!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page