top of page
Search

Bumalik na rin ang matinding trapik

‘Yan ang gusto ng madla!

◘◘◘

SIKAT na si sikat sina “Judith” at “Jona”.

“Due date” na naman at “due na” ang bayarin!

◘◘◘

NAGKAKAGULO sa US at London nang bugbugin at napatay ang isang negro.

Walang ganyan eksena sa ‘Pinas!

◘◘◘

GUMAGRABE ang away ng mga ‘Kano at Tsekwa.

‘Pag nagkapikunan, giyera ang kauuwian!

◘◘◘

LUMILITAW na may sariling ospital ang mga Chinese sa loob ng Pilipinas.

May sarili rin kaya silang “DOH”?

◘◘◘

WALANG ulat kung nagbigay ang China ng “social amelioration fund” sa mga Tsekwa sa loob ng Maynila.

Itanong ninyo ‘yan sa “DSWD” ng Beijing!

◘◘◘

BUBUKSAN na ang mga beach at resort.

Huh, paano na ang mga motel at resto bar?

Wala pa rin kita ang mga kalapating mababa ang lipad!

◘◘◘

HINDI pa malinaw kung paano bubuksan ang mga iskul.

Isang malaking problema ini!

◘◘◘

MATUMAL ang bentahan sa palengke at talipapa.

Naubos na ang cash ng mga tao!

◘◘◘

DAPAT paghandaan ang tag-ulan.

Paghandaan din ang tradisyunal na trangkaso!

◘◘◘

MALAKAS na resistensiya ang panlaban sa COVID-19 at iba pang sakit.

Libre ang pagpapalakas ng immune system: Pahinga, sapat na tulog, iwas-pagod, iwas-bisyo, palaging ngumiti, iwasang magalit at makipag-away, maging relihiyoso, maging sosyal pero hindi dapat papasyal sa kaibigan—selpon-selpon lang.

Kumain ng masustansiya, uminom ng maraming tubig at mag-ehersisyo.

Walang gaanong gastos ‘yan, hindi ba?

 
 

Normal na ulit.

Nagbalik na rin ang mga Bumbay.

He-he-he!

◘◘◘

MISTULANG civil war sa ilang estado ng U.S..

Napatay kasi ng isang pulis ang isang Black American.

‘Yan ang delikado!

◘◘◘

NANG magkagulo sa ilang estado, nabalewala ang COVID-19.

Ha-ha-ha!

◘◘◘

KUMBAGA, nabibisto ang closet ng macho sa isang sitwasyong sorpresa.

Napapatili kapag nakaapak ng daga.

Etsos, yawwww!

◘◘◘

NAGSIMULA na ang enrollment sa iskul.

Online payment na ang bagong raket!

◘◘◘

MATATAPOS na ang panic sa COVID-19.

Nagmamaniobra na ang ilang bansa sa isang potensiyal na giyera mundial.

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

NAWALAN na ng kredibilidad ang DOH.

Simpleng tagabilang lang sila ng “patay” imbes na magtrabaho sa panggagamot ng buhay!

◘◘◘

HINDI trabaho ng DOH ang magbilang ng patay.

Hindi nila alam ang kanilang responsibilidad sa panahon ng pandemya!

◘◘◘

SINO ang nag-o-audit ng bilyun-bilyong nilustay ng gobyerno sa nagdaang dalawang buwan?

Waleyyy!

◘◘◘

NATATABUNAN na ang isyu sa ABS-CBN.

Dapat siyasatin ng awtoridad ang kumakalat na ulat na may nagtatangka sa buhay ni SolGen. Jose Calida!

◘◘◘

NILAGYAN daw ng patong ang ulo ni Calida.

At ang sinasabing titirada ay mga teroristang mula sa hanay ng makakaliwang grupo.

At sino ang nagbadyet?

◘◘◘

SAKALING magkaroon ng imbestigasyon, matutukoy kung talagang may sabwatan ang mga oligarko at mga kalaban ng administrasyon.

Kung anong klase ng pagsisiyasat, ‘yan ang ating hihintayin!

 
 

Pinaluwag na ang lockdown.

COVID-19 pa more!

◘◘◘

BINUKSAN ang mga mall.

Tila nakawala sa kural ang mga timang!

◘◘◘

MARAMING taga-probinsiya ang ayaw nang bumalik sa Maynila.

Karamihan sa kanila ay mas gustong manatili sa ancestral home.

Ito ay dahil nagsarado na ang mga kompanya.

‘Yan na mismo ang krisis!

◘◘◘

ARAW-ARAW nang bukas ang mga tindahan.

Wala nang parukyano, wala nang datung!

◘◘◘

TULUYAN nang nagsarado ang maraming negosyo.

Tuluyan nang nawalan ng trabado ang milyun-milyong padre-de-pamilya!

◘◘◘

ASAHAN ang pagdami ng kaso ng pagnanakaw.

Asahan din ang pagdami ng kaso ng pagpapatiwakal.

Asahan ang pagdami ng kaso ng pagkabaliw!

◘◘◘

KANI-KANYA nang diskarte ang mga nagugutom na mamamayan.

Magiging normal ang kaliwa’t kanang krimen!

Dapat nang balasahin ang PNP!

◘◘◘

PERSONAL tayong nagdududa kung mabubuksan pa ang ABS-CBN.

Isyung legal ito kaysa sa emosyon!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page