top of page
Search

Trending agad ang inilabas naming item sa online showbiz news portal na Showbiz Blah tungkol kina Daniel Padilla at Kath­ryn Bernardo na susunod na magpapakasal ngayong 2020.

Siyempre, ang KathNiel pa rin naman kasi ang hottest and solid na love team sa ‘Pinas, kaya abang to the max talaga ang mga fans nila on any news about them, much more ang tungkol sa wedding nila.

Kilig much siyempre ang Kath­Niel fans if true na sasakay na rin sila sa bandwagon ng mga showbiz couples na nagpakasal at magpa­pakasal ngayong 2020.

Pero tingin namin, malabong may maganap na wedding kina Daniel at Kathryn this year. Ang da­mi nilang naka-line-up na pro­jects. At miss na miss na ulit si­lang mapanood ng kanilang mga fans on screen dahil matagal na rin naman nu’ng huli silang nag­tambal sa pelikula at teleserye.

Unless, mag-a-ala-Matteo Gui­dicelli at Sarah Geronimo secret wedding din sila, huh?Pero parang ‘di naman nila kailangang magpa-secret wedding kasi aprub naman sina Momshie Karla Estrada at Mommy Min sa relasyon nina Daniel at Kath­ryn. Plus, may kani-kanyang pera at negosyo na rin naman ang dalawa, habang stable na rin ang kani-kanilang pamilya.

Anyway, bukod kina Daniel at Kathryn, inaaba­ngan na rin ng publiko ang wedding ng aktres na si Angel Locsin sa businessman na si Neil Arce.After nina Angel at Neil, let’s see kung sino ang unang magpo-propose ng marriage sa mga magka­sintahang sina Maja Salvador-Rambo Nuñez, Maine Mendoza-Arjo Atayde at Kim Chiu-Xian Lim.

 
 

Binigyang-malisya ng mga netizens ang piktyur na ipinost ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa social media na kuha sa dinner na hinost ng kanyang manager sa Asian Artist Agency na si Boy Abunda para sa kanya at sa mga GMA executives sa bahay mismo ng King of Talk.

Hindi ma-take ng mga netizens na nagawa pang magpa-dinner ni Kuya Boy sa bahay niya kasama ang mga Kapuso executives sa gitna ng usapin ng pagri-renew ng franchise ng ABS-CBN.

Dedma lang si Ai Ai sa comment ng mga netizens. Pero ‘di naman nakapagpigil ang unica hija niya na si Sophia delas Alas sa pag-post ng kanyang comment.

“Yaaaay mommy!! (2 heart emojis) To those who are commenting negative things here, nasa dinner kayo kagabi? Ba’t ang dami ninyong say? Parang, nandu’n kayo kagabi. (lol emoji) Stop assuming, this dinner was for my mom,” comment ni Sophia.

Binash naman ng mga netizens si Kuya Boy at pinaratangan ng kung anu-ano, gaya na lang ng isang may handle name na “Tesssilo”. Aniya, “Bakit naman nataon na kung kelan may problema ang ABS, tsaka nagkaroon ng dinner sa mga bossing ng GMA?

Parang medyo nakakalungkot.”

Ito pa ang comment ng certain Indaydex29, “Lilipat siya? Totoo ba ‘yan? Kung kelan nagkakaganito ang ABS-CBN? Kung totoo man ‘yan, nakakalungkot.”

Say naman ni Cabaron88, “Basa-basa mga bugok, nag-host lang siya for Ms. Ai Ai.” Ang bilis-bilis talagang humusga ng mga netizens, ‘di ba? Iba rin sila kung maka-react, huh?

A picture can really tell a thousand stories, eh. Pero sa true lang, that dinner is long overdue, ayon sa aming source.

Last year pa raw sinet ang dinner na ‘yan ni Ai Ai with Kapuso execs and Kuya Boy. Kaya lang, ‘di matuluy-tuloy dahil ‘di magtugma-tugma ang schedules nila.

Until, ‘yun na nga, the date was set ng February 21. That time, bigla namang nagkaroon ng prayer rally ang ABS-CBN. Siyempre, late na para i-cancel ang dinner.

Sa isang resto raw dapat magaganap ang dinner. But because of franchise issue sa Kapamilya Network, knows daw ni Kuya Boy kung ano ang magiging impression ng tao sa kanya. So, say daw ni Kuya Boy, gawin ang kanilang “dinner date” sa bahay niya.

Pero hiling niya, wala nang lumabas na piktyur nila. Hindi sa anupaman, that will be best for all of them lalo pa nga’t masyado ring mag-react ang publiko via social media nowadays.

Sadly, ‘yun na nga ang nangyari — na-bash si Kuya Boy. Apologetic naman daw si Ai Ai kay Kuya Boy sa pag-post niya sa kanyang IG account ng controversial photo. Pero sa true lang, noon pa man ay mahilig nang mag-host ng dinner/lunch sa bahay niya si Kuya Boy, mapa-artista man, staff niya sa show or even sa mga kaibigang manunulat.

Saka, ‘di na kailangang magpa-dinner ni Kuya Boy para lang kunin ng isang network, ‘no? Ang dami-daming puwedeng gawin ni Kuya Boy sakaling hindi na ma-renew ang franchise ng ABS-CBN. Hindi niya kailangang mag-apply para magka-show.

Sa estado ni Kuya Boy ngayon, kering-keri na niyang magtayo ng sarili niyang eskuwelahan. In fact, nagagamit na niya ang doctorate degree niya sa pagtuturo sa mga nagpapa-private class, and even sa mga libreng public workshops on public speaking.

Naalala pa namin, one time, naikuwento ni Kuya Boy na meron siyang tinuturuan ng public speaking, one-on-one class, na isang executive ng malaking kumpanya sa bahay nito sa Forbes Park, Makati City.

At sa mga pamba-bash sa kanya ng mga netizens, it seems nothing or no one can hurt or affect him that much after the passing of her beloved mom, Nanay Lesing Licerna Abunda.

Pagdating naman sa loyalty niya sa ABS-CBN, kung knows lang ng iba that Kuya Boy is one of the most loyal and dependable Kapamilya artists. In fact, Kuya Boy is invited by the network’s execs na sumama siya sa kanila sa magaganap na hearing ng ABS-CBN’s franchise sa Congress on March 10, say pa ng aming source.

O, ‘di ba?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page