top of page
Search

Kagabi ay itinakbo ang Revilla patriarch na si former Senator Ramon Revilla, Sr. ng kanyang pamilya sa ospital sa Imus, Cavite.

Sa Facebook page ni Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr. ay humingi siya ng panalangin sa kanyang mga followers.

Narito ang kanyang post, "Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga nagdasal at nagpaabot ng kanilang pag-aalala at panalangin para sa aking ama, dating Senador Ramon Revilla, Sr.. At around 6 PM tonight (31 May 2020), I rushed my father to the hospital. He was hard of breathing and was somewhat unresponsive. From St. Dominic Medical Center where he was given First Aid and Emergency Medical Services, he was transferred to St. Luke's Medical Center - Global City where he is now undergoing treatment."

Kinabitan daw ng ventilator si Don Ramon at kinabukasan ay naging conscious at responsive na ang ama ni Sen. Bong.

Sa kabila nito ay humihingi pa rin ng dasal ang pamilya ni Sen. Bong para sa tuluyang paggaling ng kanyang ama.

Kinabukasan (June 1), muling nag-post si Sen. Bong sa kanyang Facebook page.

"Thank you for your continuous prayers. Daddy is still in critical condition and will be under strict observation for the next 48 hours. Hiling po namin ang inyong patuloy na panalangin para kay Daddy at sa aming pamilya."

Ganito rin, more or less, ang ipinost ng mga anak ni Sen. Bong na sina Bryan Revilla at Cavite Vice-Governor Jolo Revilla sa kanilang respective social media accounts.

"As stated by my father, at around 6 PM tonight, we rushed my grandfather to the hospital. He was hard of breathing and was somewhat unresponsive. From St. Dominic Medical Center where he was given first aid and emergency medical services, he was transferred to St. Luke’s medical center, Global City where he is now undergoing treatment. Kasalukuyan po siyang nakakabit sa ventilator, but thank God, he is now conscious and responsive. Patuloy po kaming humihiling ng inyong panalangin para malampasan niya itong karamdaman," post ni VG Jolo.

Eto naman ang caption ni Brian sa piktyur nila ng kanyang legendary lolo at sa mga posters ng previous films ng kanyang Daddy Ramon: "Panginoon at pamilya ang ating tunay na agimat. I've always knew that my grandfather has them both. My grandfather was rushed to the hospital a few hours ago with difficulty breathing. He is now hooked on a ventilator and is in stable condition. Laban ka lang, daddy! We are all praying for you, we love you."

 
 

Inamin ni Daniel Padilla na nagkikita pa rin sila ni Kathryn Bernardo sa gitna ng covid-19 pandemic.

Sa loob ng dalawa at kalahating buwan ng lockdown, ‘di natiis ni Daniel na ‘di makita si Kathryn nang personal.

Sa magkasabay na interview kina Kathryn at Daniel sa I Feel U digital talk show ng Star Cinema hosted by Toni Gonzaga with her guest co-host na si Alex Gonzaga, tinanong ang real-and-reel love team kung paano nila natiis ang isa’t isa na hindi magkita for two-and-a-half months.

“Uh, hindi naman,” bungad ni Daniel. “Nagkikita-kita naman kami paminsan-minsan. Kapag ako ang nagdadala ng mga supply sa bahay niya.”

Siya raw muna ang personal driver at boy nina Kathryn sa bahay nila during the lockdown.

Excited namang ibinalita nina Kathryn at Daniel na malapit na ang kanilang ika-8 anibersaryo bilang magkasintahan. At sa I Feel U ay muli nilang binalikan kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

“‘Yung pinakauna talaga kaming nagkita, sa Showtime, pero hindi pa kami formally na-introduce talaga. Nagkita lang kami. Sumasayaw pa si DJ noon. Kasama niya ‘yung Gimik cast. Tapos, kasama ko noon, sino ba? Si John Manalo pa noon. Pero ‘yung finally, nag-meet kami, ‘yun na ‘yung ikina-cast siya for Growing Up na,” kuwento ni Kathryn.

Nagsimula raw ma-develop ang feelings nila para sa isa’t isa when they started working together.

“Siyempre, kapag araw-araw mong kasama ‘yung tao, may hidden ano na ako sa kanya, hidden na pagtingin. So, eventually, you look forward. Ganoon na ‘yung iniisip katrabaho, looking forward ka na. Makakapanligaw ka na naman. Alam mo ‘yun,” lahad ni Daniel.

Kaya ‘pag pupunta raw siya sa trabaho, kasama na rin ‘yung excitement niya sa kung ano ang mangyayari sa kanila ni Kathryn sa taping.

Tinanong naman ni Alex si Kathryn kung kailan niya naisip na seryosohan na ang relasyon nila ni Daniel.

“Uh, naramdaman ko ‘yun noong naging consistent siya sa pagpunta sa bahay. As in, old school.

Niligawan din (niya) si Mama. Tapos, uh, tuluy-tuloy ‘yun. Parang one year siya na uhm, nararamdaman mo na sincere ‘yung tao. So, ‘yun. Tinanong ko si Mama, mukhang okey naman sa kanya,” sagot ni Kathryn.

Follow-up ni Alex kay Kathryn, kung nagsabi ba sa kanya si Daniel ng ganito, “Will you be my girlfriend?”

“May ganoon ba? Ay, nagtanong kasi si DJ noon. Hindi ko siya agad sinagot. Tapos, nu’ng biglang sa tingin ko, okey na siya, ‘Yes na.’ ‘Yun na ‘yung naging sagot ko. Tapos, sabi niya, ‘Yuck!’ Sabi ko, ‘Okey na.’ So, ‘yun lang. Doon na nag-start. ‘Yun na ‘yung sagot ko ru’n. Pagka-pack-up ng taping namin.

Hahaha!”

Habang si Daniel naman daw, isinikreto muna ang pagsagot sa kanya ni Kathryn, kahit sa kanyang Momshie Karla Estrada ay hindi niya sinabi agad.

“Hindi ko sinabi. Inangkin ko muna. Parang hindi ko naman officially nasabi dahil naiilang ako. Kaya hindi pa niya talaga alam,” sabay tawa ni Daniel.

When asked kung paano naman napa-yes si Kathryn kay Daniel, kyut ang kuwento niya.

“Grabe,” natatawang sagot ni Kathryn. “‘Pag niligawan ka ni DJ, mararamdaman mo talaga. Ipapa-feel niya sa ‘yo na ikaw ‘yung pinakaespesyal na babae sa kanya. Makikita mo kung paano ka alagaan ‘pag sa taping. Tapos, parati siyang nagte-text. Consistent siya d’yan. So, isa ‘yun. Nararamdaman ko kung gaano siya ka-caring.”

Kaya naman pala ang haba-haba ng hair ni Kathryn sa pagkakaroon ng dyowang katulad ni DJ.

 
 

May post si Angel Locsin tungkol sa usaping pagpasok niya sa pulitika sa kanyang Facebook page.

Noon pa man ay binibigyang-kulay na ng iba ang kaliwa't kanang pagtulong na ginagawa niya sa mga Pinoy. Pero, paulit-ulit naman itong itinatanggi ni Angel.

Sa kanyang FB page ay ipinost niya ang isang artikulo na naglalaman ng pahayag niya tungkol sa pagpasok niya sa pulitika.

Sa dami nga naman ng ginawang tulong ni Angel sa mga Pilipino, marami tiyak ang iboboto siya sa eleksiyon kapag tumakbo siya sa kahit anong position. Pero, may ibang plano sa buhay si Angel.

"Angel Locsin says no to running. Hindi natin kailangan ng posisyon para tumulong ," ang caption na nakalagay sa ipinost na article ni Angel sa kanyang Facebook account.

Ganyan din ang laman ng sinabi ni Angel sa isang interbyu sa kanya.

Say ni Angel, "Public servant naman po kami bilang mga artista, eh. I think 'yung buhay naman namin is very public.

"Lahat naman 'tong ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin kundi gusto naming magbigay ng entertainment sa mga tao.

"Pero politics? Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko 'yan."

Hmmm.... let's wait and see.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page