top of page
Search

Lubos na nababahala si BB Gandanghari sa nangyayaring kaguluhan sa Amerika. Sa kanyang recent vlog na Mornings with BB sa YouTube ay inilabas ni BB ang kanyang saloobin.

Nag-rally ang mga Amerikano dahil sa pagkamatay ng Black American na si George Floyd sa kamay ng isang pulis. Kasunod nito, nagkaroon na ng looting sa mga mamahaling tindahan sa Los Angeles.

Nu'ng una ay wala raw siyang kamalay-malay sa mga nangyayari until nabanggit sa kanya ng isang co-worker niya sa office.

"Sana.... sana huminahon ang lahat. Okey, ako naiintindihan ko 'yung protesta. It's part of our expression. Lumaki tayo d'yan, eh. Generation namin 'yan, eh. Sabi ko nga doon sa co-worker ko kahapon, 'You know, what's going on now? This is very much in 1980s in the Philippines. This was very much like 1986," pahayag ni BB na dating si Rustom Padilla.

Ang tinutukoy niya ay noong 1986 EDSA Revolution kung saan napatalsik sa puwesto ang dating Presidente Ferdinand Marcos.

"Noon, walang social media. So, uh, pero nagkikita-kita ang tao sa kalye, 'di ba? Pero walang looters noon, walang nanggugulo. Sabi ko nga, this reminds me of noong kay Erap (former President Joseph Estrada) nu'ng People Power, it was more of really, 'di ba, let the dogs nga?"

Mahirap daw mag-comment on anything dahil baka ma-take out of context ang sasabihin niya.

"But my personal feeling is as much as I believe in expression, ako pa? Eh, part ako ng minority na I want to be heard. Uhm, pero 'pag ganitong may mga looters, 'di ba, kailangang magrenda na rin tayo. Tayong mga peaceful, 'yung mga peaceful rallies, ha?"

Suggestion ni BB, baka kailangan ng leader ng bawat organization na nagsasagawa ng peaceful rally na i-consider na pigilan ang mga looters.

"Kasi, like for example, 'yung nangyari roon sa Fifth Avenue, ano 'yun, in seconds, in minutes, basta thousand of people, nagpuntahan agad doon in minutes. Look, eh, napakadaling gawin ng looters ngayon because of social media.

"So, I think we really have to think how to stage a really peaceful way na hindi tayo nagagamit ng mga looters. And so, our message, whatever it maybe can really come-up across and not to be overshadowed by everything, 'di ba?"

Inamin ni BB na nu'ng malaman niya na malapit na sa place niya ang mga nagra-rally, ganu'n na lang ang takot niya. At kaya 'pag nanonood daw siya ng news, hindi na rin niya tinatapos panoorin.

"I don't want to be political. I'm not even pro-Trump. Hindi niya ako botante rito kasi nga I'm still a resident. Hindi naman ako citizen."

Tuloy, pati sila ng kanyang "honey" ay 'di na rin daw maubos ang kinakain sa kawalan ng appetite dahil sa mga nangyayari sa Amerika.

"Patung-patong," buntong-hininga niya. "Hindi pa nga natatapos ang pandemic, eto naman, 'di ba? Ang hirap kumain. Pati si Honey, baka kaya hindi natin maubos ang pagkain natin dahil wala na tayong ganang kumain?"

'Yun na.

 
 

Speaking of ABS-CBN, kahapon ay naisulat na namin ang paghahanda para sa pagri-resume ng taping ng programa ni Coco Martin na FPJ's Ang Probinsyano sa Kapamilya Network.

Kahapon din ay nagulat ang mga televiewers na hindi na kulay itim ang makikita sa TV screen pagbukas nila sa channel ng ABS-CBN para sa mga gumagamit ng Mahiwagang Black Box.

Para sa mga may Black Box, nag-umpisa na ang pagpapalabas ng mga dating shows ng Dos.

Habang tinitipa namin ang aming kolum, palabas ang mga naunang episodes ng FPJ's Ang Probinsyano.

Sa Instagram na may account name na cocomartin_ph ay naka-post ang picture ni Coco at may caption na, "Babalik na si Cardo!"

Sa comment section ng IG post, umulan ng tuwa at excitement ng mga followers ng account.

"Salamat naman, balik na kayo."

"Yes, sa wakas, makikita ko na ulit kayo ni Miss Ganda Alyana Yassi Pressman."

"Welcome back, Cardo! Mahal ka namin."

"Excited na ako. Miss na miss ko na sila."

'Yun, oh!

 
 

Tiyak na matutuwa ang mga nabitin na fans ng top-rating action-serye ni Coco Martin dahil sa balitang magri-resume na ang taping ng FPJ's Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Ayon sa aktres na si Lorna Tolentino na isa rin sa cast ng FPJ's Ang Probinsyano, naghahanda na ang production ng show ni Coco para sa pagbabalik nila sa taping.

Bago sila magsimula ng taping sa June 15, sasailalim daw muna ang lahat ng cast at iba pang involved sa taping sa isang rapid testing on June 14.

Susunod ang production ng Ang Probinsyano sa napagkasunduang comprehensive guidelines para sa lock-in or closed-door taping and shooting.

Dahil lock-in, kailangan daw na kumpleto sa sanitation at pahingahan sa set. Hanggang 70 katao lang daw ang papayagan kabilang na ang mga artista.

Mahigpit daw na ipagbabawal sa set ang pagdadala ng mga alalay at glam team. Bawal din ang paglalagare ng mga artista at crew sa mahigit na dalawang produksiyon para raw maiwasan ang covid-19 infection.

Naka-lock-in daw sa Batangas ang taping ng Ang Probinsyano na tatagal ng halos isang buwan.

Pero may nabasa kaming comment from netizens na dahil naka-shutdown pa rin ang ABS-CBN, malamang daw ay sa ibang platforms na ipapalabas ang karugtong ng tinututukan ng maraming manonood na programa ni Coco.

Kering-keri naman talaga ng ABS-CBN na ipalabas sa kanilang KBO/iWanTV ang Ang Probinsyano. At huwag magtaka kung mapanood din ang action-serye ni Coco sa Netflix.

'Yun nga lang, kailangan pang magbayad ng mga fans ni Coco para siya mapanood sa Ang Probinsyano, samantalang sa ABS-CBN, libre lang nila itong napapanood.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page