top of page
Search

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Para kay Direk Jason Paul La­xa­­ma­na, ang direktor ni Matteo Gui­­dicelli sa Penduko movie, hindi pa nasusubukang gawin ni Sarah Gero­ni­mo ang iba’t ibang klaseng roles na magpa­patunay na isa na siyang ganap na aktres.

Kadalasan kasi ay mga sweetie-sweetie roles ang ibinibigay kay Sarah dahil sa kan­­yang forever bagets na image sa pe­likula. Click din ang Pop Princess sa rom-com mo­vie lalo na’t katambal niya si John Lloyd Cruz.

Pero ngayon, hinahanapan na rin si Sarah ng more mature at challenging role at isa si Direk Jason Paul sa mga nani­ni­­wa­lang kayang gampanan ni Sarah ang role ng isang action star na mala-Jennifer Law­rence sa pelikulang The Hunger Games.

For sure, ikatutuwa rin ng mga Pop­sters at ng Sarah Geronimo fanatics ang malaking pagbabago ng kanilang idolo lalo na’t challenging ang role.

Sarah Geronimo-Guidicelli is now 31 yrs. old at ready for mature roles. Malayo pa ang lalakbayin ng kanyang career kahit nagpakasal na siya kay Matteo Guidicelli.

Hopefully ay ma-convince ni Direk JP si Boss Vic Del Rosario at si Sarah na guma­wa ng mala-The Hunger Games movie.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Gusto bang gayahin ni Julia Barretto ang image ni Nadine Lustre na fierce at palaban kaya nag-post na rin ito nang topless kasabay ng kanyang 23rd birthday kahapon? Kasama ng topless photo ni Julia ang caption na: “23. In this chapter in my life, I am FREE. Free to speak. Free to act. Free to feel. Free to love. Because this time, I am choosing ME.”

Ang tanong, makatulong naman kaya sa career ni Julia ang pagbabago niya ng image at pagre-reinvent sa sarili?

Hindi naman kasi siya tipong sexy star na pagpapantasyahan ng kalalakihan para umingay at umangat ang kanyang pangalan lalo’t aminado naman siyang flat-chested siya.

Sino kaya ang nag-advise kay Julia na mag-topless? Wala namang dating, sa totoo lang!

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Ano’ng karisma meron ang newscaster na si Raffy Tulfo at siya ngayon ay madalas na puntahan ng mga taong may gustong ireklamo o may mga gustong iparating sa lahat?

Naging “Man of the Hour” si Raffy Tulfo nang sa radio show niyang Wanted sa Radio ay nagpunta/nagreklamo ang dating closed-in security ni Sarah Ge­ronimo na diumano’y sinuntok ni Matteo Guidicelli after ng kontrobersiyal na secret wedding nila ng Pop Princess.

Biglang-sikat si Jerry Tamara, ang bodyguard ni Sarah, nang umapir sa show ni Tulfo.

Samantala, kumalat naman sa You­Tube ang video ng dalawang cameramen ng GMA-7 at ng Wowowin respectively na tumulong sa isang Chinese na naka­iwan ng pera sa sasakyan (Grab). Dapat sana ay isu-surrender nila ito sa GMA-7 o kahit sa Wowowin, pero mas pinili ng dalawang cameramen na sa programa ni Tulfo sa TV5 sila magpunta at nanawagan ng tungkol sa naiwang pera sa sinak­yan nilang Grab taxi.

Nasaan daw ang loyalty ng dala­wang cameramen? Mapapanood ito ngayon sa YouTube!!!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page