top of page
Search

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Nasaktan at nalungkot man sa pagsasara ng ABS-CBN, hindi naman kasing-init ng pagpoprotesta ni Coco Martin ang nakita sa comedian-TV host na si Vice Ganda. Kalmado siya at hindi palaban.

Halatang ingat na ingat sa kanyang mga komento. Todo-iwas din sa mga bashers na umuupak sa kanya dahil sa ginawa niyang paghahamon noon kay Pastor Apollo Quiboloy na subukang patigilin ang serye ni Coco na Ang Probinsyano.

Tandang-tanda ng publiko ang naging sagot noon ni Quiboloy na hindi lang ang show ni Coco ang titigil kundi pati ang ABS-CBN Network ay magsasara.

Nauna rito, natigil na rin ang Gandang Gabi Vice show na napapanood tuwing Linggo ng gabi. Papalitan daw ito ng isang musical show pero hanggang sa inabot na ng COVID pandemic ay hindi pa nasimulan.

Wake-up call kay Vice Ganda ang nangyari kaya hinay-hinay na siya ngayon sa pagsasalita dahil ayaw niyang bumalik sa kanya ang sisi.

Kahit papaano, medyo nabawasan ang yabang at angas ni Vice.

***

WINWYN, TUMABA SA ECQ

Kakaibang experience para sa Kapuso actress/beauty queen na si Winwyn Marquez ang pagdiriwang ng kanyang 29th birthday last May 4, 2020. Hindi raw ito ang pinlano niyang birthday celebration na inabot ng enhanced community quarantine (ECQ) kaya sa bahay na lang siya nagdiwang kasama ang mga mahal sa buhay.

Labis na ikinabahala ni Winwyn ang sinapit ng maraming COVID-19 patient kaya naman wala siyang ibang birthday wish kundi ang manatiling safe sa virus ang lahat at tuluyan nang magwakas ang pandemic.

Kahit papaano, sumaya ang kaarawan ni Winwyn dahil nagpaabot ng pagbati ang kanyang pamilya, mga kaibigan at pati ang mga Kapuso stars na sina Rodjun Cruz, Rochelle Pangilinan, Pancho Magno, atbp..

Samantala, marami naman ang nakapansin na medyo bumibilog at nadagdagan ang timbang ngayon ni Winwyn. Dati-rati ay skinny at payatola ang tawag sa kanya dahil super slim ang kanyang pangangatawan.

Natawa na lang si Winwyn sa mga comments ng ilang netizens na medyo chubby siya ngayon.

Napatanong tuloy ang dalaga ni Alma Moreno kung ano ba talaga ang gusto sa kanya ng publiko — maging skinny o chubby?

***

RHIAN, NATUTONG MAG-BAKE NGAYONG LOCKDOWN

May magandang naidulot kay Rhian Ramos ang pamamalagi niya sa bahay sa panahon ng ECQ.

Bukod sa natuto siya ng mga gawaing bahay ay nahilig din siya sa pagbe-bake at pagluluto.

Una niyang sinubukan ang brownies recipe. Sinunod naman niya ang ramen egg o "ajitsuke tamago" kung saan kinunan pa niya ng video ang step-by-step na pagluluto nito.

Nalilibang si Rhian sa paggawa ng vlogs at ang subject na ginagamit niya ay ang pagluluto ng iba't ibang recipes.

At least, 'pag na-lift na ang lockdown at balik na siya sa kanyang showbiz career, may maaalala siyang magandang experiences.

***

Nang magkasama sa comedy-seryeng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sina Barbie Forteza at Kate Valdez, naging close sila nang husto at maraming bagay silang napagkasunduan. Happy si Kate para kay Barbie na nakatagpo ng "true love" sa katauhan ni Jak Roberto na isa ring Kapuso artist.

Tuwang-tuwa siya nang malamang tinuturuan ni Jak magluto ng beef salpicao si Barbie. Marunong magluto si Jak at isine-share niya ito sa GF niya. At dahil sa COVID pandemic, stay at home muna ang aktres kaya na-miss nang husto ang co-star niyang si Kate, ang anak ni Biday na ginagampanan ni Dina Bonnevie sa serye.

Iba naman ang kinahiligang libangan ni Kate nang siya ay naka-lockdown. Mga TikTok Challenge ang kanyang pinagkakaabalahan at millions na ang kanyang mga followers. Kaya naman kahit papaano ay kumikita siya sa kanyang pagti-TikTok.

Challenge nga para sa lahat ang pagti-TikTok dahil sa kani-kanyang diskarte o ideya ang dapat gawin upang maging kakaiba ito at magustuhan ng marami.

Na-miss man ni Kate ang pag-arte sa serye nila ni Barbie, naipakita naman niya ang talent niya sa pagti-TikTok!

***

KAPAMILYA STARS, MAS KAKAMPIHAN SA LABAN SA ABS-CBN KUNG MANANAHIMIK LANG

Sinasaluduhan namin ang ilang Kapamilya stars na naging kalmado at mahinahon nang maganap ang biglaang pagsasara ng ABS-CBN.

Bagama't apektado ang kanilang career sa nangyari at nawalan ng mga shows, hindi nila pinairal ang galit at init ng ulo, bagkus patuloy silang nagdasal at umasang magkakaroon ng solusyon at makakapag-renew ng franchise ang ABS-CBN at magiging legal ang muling pagbabalik sa ere ng kanilang network.

Ganito dapat ang maging outlook at attitude ng mga Kapamilya artists. I-claim na lang nila at ipagdasal na muling makabalik ang Dos at magpatuloy sa pagbibigay ng magagandang shows sa mga viewers.

Hindi mareresolba ng galit ang anumang problema. Hanapan ng solusyon kung anuman ang pagkukulang o pagkakamali ng network.

Mas makakabuti ang mahinahong pakikipag-dialogue sa mga authorities. Mas makakakuha sila ng simpatya mula sa publiko kung tahimik nilang ipaglalaban ang kanilang karapatan bilang bahagi ng TV industry.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Pagiging marahas ni Coco at udyok na lumaban ang mga fans sa gobyerno, maling-mali!

No offense meant kay Coco Martin a.k.a. Cardo Dalisay ng Ang Probinsyano, pero kahit saang anggulo namin sipatin, may mali sa ginagawa niyang pag-iingay/pang-aaway at panunumbat dahil sa biglaang pagpapasara sa ABS-CBN.

Naaawa raw siya sa 11,000 empleyado ng Dos na nawalan ng trabaho dahil sa shutdown ng Kapamilya Network. Papaano na raw ang mga pamilyang dapat buhayin ng mga empleyadong jobless ngayon?

Isa pang hindi namin nagustuhan ay 'yung panghihikayat pa niya sa kanyang mga supporters na mag-alsa laban sa NTC at sa ating pamahalaan. Paninikil daw 'yun sa press freedom. At 'yung sobrang diehard sa Ang Probinsyano ay nagbasag pa ng telebisyon dahil hindi na raw mapapanood ang serye ng idolo nilang si Cardo.

Nangako naman si Coco na papalitan niya ang sinirang TV set at may kasama pang motorsiklo at kabuhayan showcase.

Well, kami ay hindi natutuwa sa naging kapalaran ng 11,000 na empleyado ng ABS-CBN. At isa kami sa mga nag-wish na matulungan ng mga congressmen na makapag-renew ng franchise ang ABS-CBN at makabalik muli sa ere.

Mas masaya kung maraming shows ang mapapanood.

Payong anak kay Coco, huwag paiiralin ang init ng ulo kapag may problemang hinaharap. Hindi ito ang solusyon para agarang maibalik ang ABS-CBN. Legal matters na ito, hindi labanan ng maiinit na salita at akusasyon.

Mas madaling makakaisip ng paraan kung idaraan sa mahinahong pamamaraan. Reyalidad na ang nangyayari at hindi halaw sa kuwento ng Ang Probinsyano.

Kahit na gusto niyang magpakabayani at maging tagapagtanggol ng mga naaapi, dapat ay nasa tama siyang landas.

♥♥♥

Kris, proud na proud sa alok na kasal ng BF, todo-displey sa YouTube

In-upload na at mapapanood sa You Tube Channel ni Kris Bernal ang naganap na wedding proposal sa kanya ng non-showbiz Chinese boyfriend noong Feb. 6, 2020, kung saan naghanda ng surprise birthday celebration sa kanya ang BF na si Perry Choi.

Ang hindi alam ni Kris, eh, may sorpresa rin na inihanda ang kanyang BF para sa gagawing proposal, kaya nagulat at hindi inasahan ng aktres ang naganap na marriage proposal.

Sa kanyang Instagram post, inamin ni Kris na nag-a-adjust siya sa pagsusuot ng engagement ring na bigay ng nobyong si Perry. Hindi kasi sanay magsuot ng alahas si Kris. Hindi siya gaanong mahilig sa jewelries.

It seems very supportive sa career ni Kris ang kanyang husband-to-be na si Perry. Hindi nito pinagbabawalang magpatuloy pa rin sa pag-aartista si Kris pagkatapos ng kanilang kasal.

♥♥♥

magkasundo ang magkasintahang Rocco Nacino at Melissa Gohing basta may kinalaman sa mga charity projects. Kaya naman ini-launch nila ang fundraising campaign na Food from the Heart na ang layunin ay maabutan ng pagkain at relief goods ang mga taong nasa malalayong lugar na hindi nararating ng mga grupong nagbibigay ng ayuda. Sila ang tinutulungan nina Rocco at Melissa.

Humihingi rin ang mag-BF ng suporta at donation mula sa ilang kaibigan sa showbiz. Para sa mga nagnanais na tumulong at mag-share, i-message lang nang direct si Rocco.

Samantala, ang buong cast ng Descendants of the Sun ay nag-aabang na kung kailan mali-lift ang Luzon lockdown at kung kailan puwedeng mag-resume ng teyping ang mga TV shows at serye.

Maraming taong naapektuhan sa COVID pandemic. Mababago ang lahat ng kalakaran sa teyping ng mga serye sakaling makabalik na sa trabaho ang TV production people.

Paano mapapangalagaan ang mga artista at production people? Papaano paiiralin ang distancing sa mga eksenang dapat na magkakasama ang mga artista? Pansamantala kayang magpapalabas ng replays ng mga dating shows?

♥♥♥

May magandang rason ang Kapuso actor na si Carlo Gonzales upang mas pagsikapan pa niya na maiangat ang kanyang showbiz career ngayong isinilang na last May 2 ni Luane Dy ang panganay nilang anak na si Jose Christiano.

May mga shows si Carlo sa GMA Network. Madalas ay sa mga action serye siya inilalagay.

May height at maganda naman ang body built ni Carlo, puwede siyang bida/kontrabida.

For sure, humihingi rin ng advice ngayon si Carlo sa pinsan niyang si Dingdong Dantes tungkol sa pag-aalaga ng baby.

Sobrang excited at masaya si Carlo ngayong may baby boy na sila ni Luane.

♥♥♥

Nakakaramdam din ng takot at pag-aalala ang Kapuso actress na si LJ Reyes dahil sa gagawing pag-a-adjust sa sinasabing new normal life sakaling ma-lift na ang lockdown at makabalik na sa trabaho ang lahat.

Kailangan ng bagong adjustment dahil hindi natin alam kung anu-ano'ng pagbabago ang ating haharapin.

Pansamantalang namahinga si LJ sa paglabas sa telebisyon nang isilang niya ang baby girl nila ni Paolo Contis. Hands-on siya sa pag-aalaga kay Baby Summer.

Ang anak naman niyang si Aki na nag-aaral na ay nagkaroon ng oras at panahon upang ma-improve ang kanyang learning skills at sa tulong ng kanyang Mommy LJ, pati na ang mga lessons for next school year ay naihanda na rin kaya hindi na siya gaanong mahihirapan.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Marami ang natutuwa sa post ni Heart Evange­lista kung saan ipinakitang gumawa siya ng sa­riling version ng face mask na sosyal at classy na classy ang dating. Pang-yayamanin ‘ika nga, na ba­gay sa mga nasa alta-sosyedad.

Signature face mask na may tatak Hermes ang ginawa ni Heart. At single use lang daw ito na hindi puwedeng lab­han at gamiting muli.

Tiyak, marami ang manghi­hina­yang na bumili ng sosyal na face mask ni Heart kung single use lang. Sigurado kasing napaka­ma­hal dahil Hermes ang tatak nito.

For sure, sandamakmak na pan­­lalait na naman mula sa mga bashers ang matatanggap ni Heart sa pagpo-post ng kanyang home-made signature face mask. Eh, kung ang mga mumurahin at ordinaryong face mask nga, halos wala nang mabili, heto si Heart, signature face mask pa ang inirarampa sa publiko.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page