top of page
Search

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Hinding-hindi makakalimutan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang kanyang character bilang Jodi sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Stairway to Heaven na umere noong 2009 sa GMA-7.

Tumatak nang husto ito sa mga viewers at hanggang ngayon, natatandaan ng lahat sina Jodi at Cholo na ginampanan ni Dingdong Dantes.

Grateful si Rhian sa Kapuso Network na sa kanya ipinagkatiwala ang role at flattered siya dahil kahit na sikat ang Koreanovelang Crash Landing On You ay nababanggit pa rin ang Stairway to Heaven na isa sa mga naunang Koreanovela na mainit na tinanggap ng mga Pinoy.

Samantala, bumagay kay Rhian ang role niya sa Love of my Life bilang si Kelly na inglesera, madiskarte sa buhay at palaban. Hindi siya nai-intimidate sa veteran actress na si Coney Reyes sa kanilang mga eksena.

Nabitin lang ang mga viewers ng Love of my Life dahil pansamantalang natigil ang serye dahil sa COVID-19 pandemic. Hindi pa nakakapagteyping ang buong cast ng mga bagong episodes.

Samantala, kumasa si Rhian sa Tagalog Only Challenge kung saan buong araw siyang Tagalog ang gagamiting language. Marami kasi ang pumupuna na inglesera siya at bihirang magsalita ng Tagalog.

Mapapanood sa kanyang YouTube Channel ang Tagalog Only Challenge ni Rhian.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Kung hindi pa nagkaroon ng lockdown at ECQ, hindi madidiskubre ng Kapuso actor na si Pancho Magno na may talent din siya sa pagpipinta (visual artist).

High school pa lang ay hilig na ni Pancho ang gumawa ng sketch at magpinta. Hindi lang niya sineseryoso at hindi niya ipinagpatuloy.

Pero, nang mag-stay at home dahil sa quarantine, nabalikan niyang muli ang pagpipinta at naging libangan na.

Acrylic ang medium na gamit ni Pancho sa pagpe-painting. At ayon na rin sa misis niyang si Max Collins, ang iba't ibang parte ng house nila ang ginagawang subject for painting ni Pancho.

At least, hindi nakakaranas ng pagkainip ang Kapuso actor habang naka-lockdown at hindi nakakapagteyping.

Ang misis naman niyang si Max ay malapit nang magsilang ng kanilang baby boy. Sa July ang due date ni Max at nagdesisyon siyang sa bahay na lang manganak.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Nag-aalala at nangungumusta ang mga tagahanga ng one and only Superstar na si Nora Aunor. Ano raw ba ang pinagkakaabalahang gawin ni Aunor sa panahon ng pananalasa ng COVID-19 pandemic na mahigit dalawang buwan na mula nang mag-lockdown?

May mga nakasama naman kaya si Ate Guy nang ma-quarantine siya at namalagi sa bahay?

Well, naging masunurin naman si La Aunor at namalagi lang sa kanyang condo unit sa Eastwood Libis. Panonood ng news sa TV ang kanyang pinagkakaabalahan.

Awang-awa siya sa mga taong nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19. Maraming pamilya ang nangangailangan ng ayuda.

Alam din ni Ate Guy na marami sa mga kaibigang freelance entertainment writers ang naapektuhan dahil sa shutdown ng mga activities sa showbiz at sila ang gusto niyang tulungan.

Pansamantala ring nahinto ang teyping ni Aunor sa seryeng Bilangin ang mga Bituin sa Langit na napapanood sa GMA-7.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page