top of page
Search

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Sa lahat ng seryeng ginawa ni Carla Abellana sa GMA Network, masasabi naming ang My Husband's Lover ang pinakatumatak sa mga viewers.

Pare-parehong magagaling umarte sina Carla, Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa kani-kanilang role sa serye na umere nu'ng year 2013.

Grabe ang mga emosyon sa kanilang mga eksena. Wala kang itulak-kabigin sa husay nilang umarte.

Ibang klaseng akting ang ipinakita dito ni Carla bilang si Lolly na ang mister ay isang closet gay.

Maging si Dennis ay kaaawaan mo sa kanyang pagiging martir sa pag-ibig.

Maraming ginulat na televiewers ang My Husband's Lover na tumalakay sa gay relationship. Big, big hit ito at naka-relate ang gay community sa love story ng tandem na TomDen (Tom/Dennis).

Marami ang kinilig sa kanilang tambalan. Patunay lamang na parehong magaling na aktor sina Dennis at Tom at hindi makakalimutan ng mga viewers ang My Husband's Lover.

Kailan kaya pagsasama-samahin uli sa serye sina Carla, Tom at Dennis? Sobrang oks ang love triangle nila kaya sana raw ay gumawa uli ang GMA-7 ng seryeng tatampukan ng tatlo.

Pero sa ngayon, si Carla ay nasa Love of my Life na nakasama noong unang mga araw si Tom Rodriguez.

Si Dennis Trillo naman, Legal Wives ang next project sa GMA-7 kung saan sina Gabbi Garcia, Megan Young at Alice Dixson na ang mga magiging leading ladies.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Ngayong isinusulong na sa Kongreso ang provisional permit para makapag-operate muli ang ABS-CBN hanggang October, 2020 habang dinidinig ang renewal ng prangkisa ng network, siguro naman ay mapapanatag na rin ang loob ni Angel Locsin at puwede na niyang harapin at bigyan ng oras ang pag-aasikaso sa kasal nila ng BF na si Neil Arce.

Balitang sa December ang scheduled wedding nila at may wedding coordinator naman na tumutulong at nag-aayos ng every detail sa wedding.

Matapos lang ang lockdown ay makakakilos na sina Angel at Neil. Nakapag-ambag na sila ng malaking tulong sa mga health workers at frontliners. Panahon na rin naman na bigyan nila ng sapat na oras ang kanilang pagpapakasal.

Marami na ang naiinip, sa totoo lang.

Samantala, may paalala naman ang ilang netizens sa mga artista ng Kapamilya Network. Five months lang ang ibinigay ng Congress na provisionary permit to operate para sa ABS-CBN kaya dapat ay paghandaan na nila ang puwede pang mangyari sa loob ng limang buwan na hindi maaayos at mareresolba ang problema sa renewal of franchise ng Dos.

Binigyan na ng 5 months extension to operate at kailangang isaayos na nila ang lahat at maging legal ang operation ng ABS-CBN bilang isang network.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Kung maraming kalalakihan ang nagpapantasya sa sexy star na si Ivana Alawi, may ilang bashers naman ang mukhang may lihim na inggit at nagsasabing retokada beauty ito.

Hindi raw perfect ang kagandahan ni Ivana at isa rin siya sa mga suki ng "salamat po, dok".

Pero, todo-tanggol sa hottest sexy actress ngayon ang libu-libong fans ni Ivana Alawi. Certified at hindi raw fake ang lahat ng parte ng katawan niya at walang ipina-enhance. Natural din ang flawless at kutis-porselanang balat ni Ivana.

Naghahamon pa ang mga fans ni Alawi na patunayan ng mga bashers kung nagdaan sa anumang proseso ang pagpapa-sexy at pagpapaganda ni Ivana at handa silang magbigay ng pabuya.

Ibang klase ang naging paraan ng pagsikat ni Ivana na naging YouTube sensation bago napansin ng publiko. Ngayon, halos lahat ng lalaki ay nag-iilusyon na siya ay maging girlfriend. May mga indecent proposals pang dumarating.

Sa totoo lang, parang si Ivana Alawi ang bagong Rufa Mae Quinto na pinagpapantasyahan noon ng mga kalalakihan sa sobrang kaseksihan at lakas ng dating. Medyo kalog din kasi si Ivana at malakas ang sense of humor, pero may class pa rin naman at hindi kasing-jologs ni Rufa Mae.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page