top of page
Search

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Hindi naman gusto ni Megastar Sharon Cuneta na ipagyabang sa lahat ang kanyang yaman habang nasa gitna tayo ng COVID pandemic at marami ang nawalan ng trabaho at may mga kababayang nagugutom.

Medyo napikon lang siya nang isang basher ang nagtanong kung ang kinita ba sa kanyang katatapos na online mini-concert ay totoong sa pantawid-kabuhayan project ng ABS-CBN mapupunta?

Nakalikom ng P5 M ang Mother's Day fundraising concert ni Megastar kaya hindi siya nakapagpigil na patulan ang basher at sinabing bilyonarya na siya kahit noong 30 yrs. old pa lamang siya.

At dahil dito, hindi na raw niya kailangang kumuha sa parte ng kinita ng kanyang concert. Buong-puso niyang ibibigay ang lahat ng ito sa Pantawid ng Pag-ibig project ng Kapamilya Network.

Medyo nainsulto si Shawie sa maling akusasyon at pagdududa ng ilang bashers kaya for the first time ay nakuha niyang ipagyabang na matagal na siyang bilyonarya.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

May collection ng luxury cars ang aktor na si Derek Ramsay. Ito ang kanyang kaligayahan at libangan at itinuturing niyang mga laruan.

Kaya, marami sa kanyang mga kaibigan ang nagulat nang mag-post siya sa kanyang IG account last May 11 na balak na niyang ibenta at i-dispose ang tatlo sa kanyang mga luxury cars — isang Rolls Royce Ghost, isang Ferrari F-12 Berlinette at isang Aston Martin DB II.

Hindi biro ang halaga ng bawat luxury cars ni Derek. Milyones at malaking kayamanan na itong maituturing. Puwede na siyang bumili/magpatayo ng kahit dalawang mansion sa halaga ng mga nasabing luxury cars.

So, ano ang rason ni Derek at binalak na niyang idispatsa ang kanyang mga toy cars? May realization kaya siyang nakita noong kasagsagan ng pananalasa ng COVID pandemic?

Namulat kaya ang aktor na hindi ang mga mamahaling materyal na bagay ang mahalaga sa mundong ito? Gugustuhin na lang ba ni Derek na mamuhay nang simple na lamang kasama ang babaeng kanyang minamahal na si Andrea Torres?

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Proud and happy ang maybahay ni Michael V. sa kakaibang Mother's Day gift sa kanya ng comedian na bida sa sitcom na Pepito Manaloto.

Hindi bouquet of roses, alahas o branded bags ang natanggap ni Carol Bunagan mula kay Bitoy. Sa halip, isang head to foot massage na talaga namang nakakatanggal ng pagod at stress.

Ang mga ganitong unexpected gestures ni Michael V. ang naa-appreciate ng kanyang wifey/manager na si Carol.

At hindi kailangang regaluhan siya ng mga mamahaling bagay on special occasions. Sa maliliit at simpleng bagay idinadaan ni Michael V. ang pagbibigay ng importansiya sa kanyang misis.

Well, knowing Michael V., tiyak na may gagawin din siyang episode ng Pepito Manaloto kung saan ipakikita na mga simpleng bagay lang ang magpapasaya kay Elsa (Manilyn Reynes) na gumaganap na kanyang asawa.

Kahit na mahilig mag-shopping ang character ni Manilyn sa PM, hindi naman siya ang tipo ng misis na sobrang materialistic. In fact, nakaisip din siyang mag-business at mag-bake ng cupcakes na kanyang pinagkakakitaan.

May ilang traits si Manilyn sa PM na base rin sa ugali ng misis ni Michael V. at nagagamit ito ni Bitoy sa pagsusulat ng kuwento sa sitcom.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page