top of page
Search

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Pabor kaya ang pamilya ni Angel Locsin sa ginagawa niyang pagbebenta ng kanyang mga sasakyan upang may maipantulong lang sa charity tulad nitong sa COVID pandemic?

Matapos ang pagpa-fundraising niya para sa #UnitedWeStandPH na nakalikom ng P5 million, heto at ini-launch naman ni Angel ang Shop & Share sa tulong na rin nina Anne Curtis at Bea

Alonzo. Nagso-solicit sila sa mga kapwa artista ng mga pre-loved items na kanilang isusubasta (auction).

Unang nag-donate ng kanyang Star Wars collection si Ogie Alcasid at tinapatan naman ito ni Angel dahil ang isa niyang luxury car ay ibinenta rin niya para makalikom ng pondo para sa ipamimigay na testing kits sa mga government hospitals.

Nauna nang nagbenta noon ng kanyang kotse si Angel nang tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda, ganu'n din nang bumaha sa Metro Manila dahil sa bagyong Ondoy.

Well, maraming artista ang pinahanga ni Angel Locsin sa ginagawa niyang charity projects. Maging ang BF niyang si Neil Arce ay saludo sa ginagawang pagtulong ni Angel kapag may krisis at kalamidad.

Pero, okey lang kaya sa immediate family ng Kapamilya actress na pati na mga personal niyang gamit na naipundar (tulad ng kotse) ay naibebenta na rin para lang may maibigay sa mga charity projects? Hindi raw ba iniisip ni Angel ang kanyang magiging future life?

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Kung ang ibang artista ay natatakot pang lumabas at magtrabaho kahit GCQ na ang buong Metro Manila, si Lorna Tolentino ay ready na raw mag-report sa teyping ng Ang Probinsyano sakaling

ipatawag na ni Coco Martin ang buong cast.

At willing din siyang mag-stay-in sa location kahit na raw abutin pa ng 5 months na walang uwian.

Alam naman ni Lorna na magiging safe siya sa set dahil sinusunod ng production ang mga protocols at guidelines tulad ng pagsusuot ng face mask, pagsa-sanitize ng mga gamit, atbp. precautionary measures.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Base sa napag-usapan sa katatapos na Laging Handa briefing with PCOO (Presidential Communications Operations Office) Sec. Martin Andanar, inihayag ni FDCP (Film Development Council of the Phils.) Chairperson Liza Diño ang maraming pagbabago na dapat sundin kapag bumalik na sa pagteteyping ang mga TV shows at shooting ng pelikula.

Unang-una na dapat sundin ay ang social distancing kaya bawas na ang mga tao kapag nasa teyping o shooting. Bawal na rin ang involvement ng maraming tao sa set. Kailangan ding i-disinfect ang shooting o taping locations, pati na ang isusuot ng mga artista.

Lahat ng gagamitin sa taping o shooting ay kailangan ding linisin at may handwashing area sa set. Pati ang pagkain ng mga involved sa taping o shooting ay dapat na malinis at ligtas.

Malaking gastos ang tiyak na madaragdag sa budget ng production sa TV o pelikula, pero kailangang sundin kung nais na magbalik at magpatuloy ang mga TV shows at paggawa ng pelikula.

Kaya panawagan ni FDCP Chairperson Liza Diño sa mga networks at movie productions na sundin ang mga guidelines na inilabas.

Well, papa'no kaya kung may big scenes ang mga serye o pelikula? Lalo na kung action ang serye na nangangailangan ng maraming tauhan? Mahirap dayain ang mga ganitong eksena kung lilimitahan ang mga talents.

♥♥♥

Samantala, ang Primetime King ng GMA Network na si Dingdong Dantes ang tampok sa joint project ng Department of Health (DOH) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa isang public service announcement kung papaano makakaiwas sa COVID-19.

Nagtulong sina Dingdong, FDCP Chair Liza at Pepe Diokno para sa COVID-19 infomercial for TV.

Si Marian Rivera (misis ni DD) ang nag-click ng camera habang isinu-shoot ang clip ng commercial.

Ayon sa Kapuso actor, magaling sa camera si Marian kaya swak ang tandem nila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page