top of page
Search

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Ipinakita na sa media ni Jinkee Pacquiao ang magara nilang mansiyon sa GenSan kung saan marami ang napa-wow at nainggit dahil napakaganda at napakalawak nito. Sosyal na sosyal ang dating at halatang ginastusan nang milyun-milyon ang Pacquiao mansion na may malaking swimming pool at basketball court.

Maganda rin ang interior nito at talagang pang-yayamanin ang pagkakagawa. Ang susunod daw na ipapakita ni Jinkee ay ang mansiyon naman nila sa Forbes Park.

Maraming nainggit sa suwerte ni Jinkee na nakapangasawa ng sikat na sikat na boksingero na ngayon ay isa nang senador. Pero, may mga netizens naman na nagpapayo sa kanya na dapat iwasan nang idispley at ipakita sa publiko ang kanilang mga mamahaling mansiyon, sasakyan, atbp.. Takaw-tukso raw ito sa mga masasamang-loob. Baka maging mitsa pa ito ng kanilang kapahamakan.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Mukhang dedma at hindi na balat-sibuyas ngayon si KC Concepcion at walang panahon sa mga bashers na nanlalait noon sa kanyang pagiging chubby.

Minsan, nag-post pa si KC ng “No to body-shaming” kaya naman ngayon ay todo-rampa na siya sa Boracay na nakasuot ng two-piece swimsuit.

Wala na siyang pakialam sa mga bashers. Basta masaya siya sa kanyang ginagawa at hindi niya ikinahihiya ang kanyang katawan. Mapapagod at magsasawa lang ang mga bashers pero hindi na siya maaapektuhan pa.

At tama si KC sa kanyang attitude na ito.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Kaya naman pala laging may hugot ang mga kanta ni Moira dela Torre ay may pinagdaraanan siyang phase sa kanyang buhay na masasabing isang mental state.

Hindi kakulangan sa pag-iisip kundi related din sa kanyang emotional stability.

Nabanggit ni Moira ang kanyang mental health issue nang mag-guest siya sa

Magandang Buhay. Madalas daw kasi ay hindi nag-o-open up si Moira sa kanyang pamilya kapag may dinadala siyang problema.

Ayaw niyang humingi ng tulong o pagdamay mula sa kanyang pamilya. Sino-solo lang niya ang kanyang problema at nararamdaman.

But it’s good, ngayon ay nababago na niya ang lahat kaya hindi na siya nakakaranas ng depression.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page