top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 12, 2023



ree

Napasok nang ligtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Ayungin Shoal nu'ng Biyernes matapos nilang matagumpay na maiwasan ang 15 barkong China Coast Guard at barkong militia.


Dalawang bangka na magsu-suplay sa BRP Sierra Madre ang binantayan ng PCG.


Isang barkong pandigma nu'ng World War II din ang naka-ground mula pa ng taong 1999 ang nagsisilbing simbolo ng pangangalakal ng 'Pinas sa West Philippine Sea.


Kinumpirma ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na nagging maayos ang nangyaring misyon kahit na sinubok ng China na manggulo at harasin ang routine resupply sa BRP Sierra Madre.


Sa nasabing pangyayari, tinignan at sinuri din ng PCG-AFP ang apat na People Liberation Army Navy vessels, kasama na ang isang barkong ospital at bangkang misayl na nasa teritoryo ng Ayungin Shoal.




 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 11, 2023



ree

Matapos ang pagkikita nu'ng nakaraang taon, muling maghaharap sina Pangulong Joe Biden at Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre 15 bilang bahagi ng layuning pigilan ang tensiyon sa pagitan ng dalawang pinakamalaking bansa.


Inaabangan ang magiging interaksiyon ng dalawang lider kasabay ng gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa San Francisco Bay area.


Magtatagal ng ilang oras ang nasabing pagpupulong kasama ang mga grupo ng opisyal mula Beijing at Washington.


Ayon sa isang mataas na opisyal ng administrasyon ni Biden, inaasahang matatalakay ang malawak na hanay ng mga isyung pandaigdig, kabilang na ang giyera sa Israel at Hamas, pagsakop ng Russia sa Ukraine, ugnayan ng North Korea sa Russia, Taiwan, Indo-Pacific, karapatang-pantao, Fentanyl, artificial intelligence, at ang usapin ng patas na kala

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 8, 2023



ree

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Miyerkules na kanilang inaresto ang dalawang fugitive mula sa China at South Korea sa magkasunod na operasyon.


Arestado sa operasyon ang Chinese na si Guo Shangming sa Paco, Manila nu'ng Martes at sa bandang Intramuros naman naaresto ang South Korean na si Hyeong Jinwoo.


Pahayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, huwag gawing breeding ground ang Pilipinas para sa mga krimen at nagbabala ito na gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya.


Napag-alamang sangkot si Guo sa ilegal na pamamaraan ng paniningil ng utang at si Hyeong naman ay miyembro ng voice phishing syndicate sa Maynila.


Itinuturing na "undesirable aliens" ng BI ang dalawang naaresto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page