top of page
Search

ni Angela Fernando @News | June 5, 2024



Showbiz News

Iminungkahi ni Senate President Francis "Chiz" Escudero nitong Miyerkules na itaas ang isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa gitna ng pinakabagong agresyon ng China laban sa mga Pilipinong military.


Sinabi ito ng bagong luklok na pinuno ng Senado nang tanungin kung dapat bang magsampa ng panibagong kaso ang 'Pinas laban sa China.


"Option palagi ‘yan ng ating pamahalaan pero isang concern din na nais kong i-bring up ay sana subukan, kung kakayanin ng ating DFA, na dalhin ito sa ASEAN.


‘Yan ang regional organization na kinabibilangan ng Pilipinas at hindi maikakaila ang isyung ito kaugnay sa West Philippine Sea ay nagaganap sa loob na nasasakupan ng ASEAN," saad ni Escudero.


Dagdag pa ni Escudero, hindi man kilala ang ASEAN bilang politikal na asosasyon, magagamit pa rin ang forum para mapag-usapan ang nagaganap sa WPS.


Tugon ito sa video na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpapakita ng mga tauhan ng China na kinukuha ang mga supply na nakalaan para sa mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, sinabi ni Escudero na tila pinapalala nito ang tensyon sa lugar.


Ngunit nanawagan ang mambabatas sa lahat ng partido na manatiling kalmado sa kabila ng mga kamakailang kilos ng mga tauhan ng China, binigyang-diin na walang nagnanais ng digmaan sa rehiyon.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 23, 2024

ree

Nagsimula na ng mga military drills ang China na nakapalibot sa Taiwan nitong Huwebes.


Inaasahan na magtatagal ito hanggang Biyernes, ilang araw lamang matapos na italaga sa pwesto ang bagong Presidente ng Taiwan na si Lai Ching-te.


Inihayag ng Eastern Theater Command ng Chinese People's Liberation Army (PLA) na nagsimula na sila ng mga military drills sa mga lugar sa paligid ng Taiwan sa ganap na alas-7:45 ng umaga (2345 GMT).


Ayon sa pahayag ng komando, ginaganap ang mga pagsasanay sa Taiwan Strait, sa hilaga, timog, at silangan ng Taiwan, pati na rin sa mga lugar sa paligid ng mga isla na kontrolado ng Taiwan tulad ng Kinmen, Matsu, Wuqiu, at Dongyin.


Wala namang agad na komento mula sa pamahalaan ng Taiwan.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 13, 2024

ree

Nagpadala ang China ng malaking puwersa sa Scarborough Shoal bago ang civilian mission na gagawin ng 'Pinas sa lugar, ayon sa isang United States maritime expert nitong Lunes.


Sa isang post sa X, sinabi ng dating opisyal ng US Air Force at dating Defence Attaché na si Ray Powell na nakikita niya itong malaking harang sa Scarborough Shoal.


“China is sending a huge force to blockade Scarborough Shoal ahead of the Atin Ito civilian convoy setting sail from the Philippines Tuesday. By this time tomorrow at least four coast guard and 26 large maritime militia ships on blockade,” saad niya.


Iginiit niya rin ang tila pagiging determinado ng China na agresibong ipatupad ang kanilang pag-angkin sa shoal, na kanilang kinontrol mula sa Pilipinas nu'ng 2012 ayon sa AsiaMTI.t batid daw sa mga sagot nito na talagang nag-mature na ito sa buhay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page