top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 11, 2021





Positibo sa COVID-19 si Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas. Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana ngayong Huwebes.


Ayon kay Usana, maayos naman ang lagay ni Sinas at walang dapat ikabahala.


Aniya, "Yes po. But he is okay. No cause for worry. Prayers na lang po muna para kay Chief."


Samantala, asymptomatic si Sinas at naka-quarantine sa Kiangan Treatment Facilities sa Camp Crame, kaya si PNP Deputy Chief for Administration P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar muna ang magsisilbing officer-in-charge, ayon kay Usana.

 
 
  • BULGAR
  • Dec 24, 2020

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 24, 2020




Humingi ng tawad si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas sa pamilya ng mag-inang tinadtad ng baril at pinatay ng isang pulis sa Tarlac kamakailan.


Ayon kay Sinas, pumunta siya sa burol ng mag-inang Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony, 25, noong Martes upang makiramay sa kanilang mga naulila.


Aniya, “Una, pumunta po ako roon para makiramay po, at of course manghingi po ng sorry sa nangyari sa kanila.


“Pangalawa po ay [para] i-update po sila ng progress ng investigation at para malaman nila na ang PNP po, ako na lalo, ay hindi po kami nagto-tolerate sa ginawa ni Staff Sergeant Nuezca, and assured them of PNP support and security of their family. Nagbigay po kami sa kanila para maski papano maibsan po ang lungkot po nila.”


Mayroon na ring pulis na inatasan ang PNP para siguruhin ang kaligtasan ng pamilya Gregorio at kinausap din umano ni Sinas ang asawa ni Sonya na si Florentino Gregorio.


Pahayag ni Sinas, “In-assure namin sila na ang buong kapulisan ay nasa kanila po at tutulong po para sa kaso.”


Paglilinaw din ni Sinas, “Walang settlement or anything. We will not compromise. Tuloy po ang kaso. Tuloy po ang dismissal ni Staff Sergeant Nuezca.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page