top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 28, 2021


ree

Mayroong bagong 36 positive cases ng COVID-19 variants of concern sa Caraga, aton sa DOH sa rehiyon.


Tatlumpu't isa ay Delta variant habang 3 ay Alpha variant at Beta variant na ang iba.


Batay sa record ng DOH, 24 ang naitalang Delta variant cases sa Agusan del Sur, 5 sa Surigao del Norte, at 2 sa Surigao del Sur. May 2 kaso naman ng Alpha variant sa Agusan del Sur at isa sa Tandag City.


Tig-isang kaso naman ng Beta variant sa Prosperidad, Agusan del Sur at Tandag City.


Karamihan sa mga kaso umano ay walang travel history o close contact sa mga nagpositibo sa COVID-19.


Dalawampu't tatlo naman sa mga kaso ay hindi pa nabakunahan.


Patuloy na nananawagan ang DOH sa pagsunod sa minimum health protocol at magpabakuna sa nakatakdang schedule.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 31, 2021



ree

Natagpuang patay ang 71-anyos na si Porperio Sabate Pilapil matapos tangayin ng baha dahil sa paghagupit ng Bagyong Dante sa Davao del Sur.


Ayon sa ulat ng Malalag Municipal Police, pauwi sa bahay si Pilapil sakay ng bisikleta nang tangkain nitong suungin ang rumaragasang tubig-baha at sa sobrang lakas ng ragasa ay tinangay ito.


Samantala, 2 naman ang iniulat na nawawala sa Banga, South Cotabato.


Sa ngayon ay ekta-ektaryang palayan at fishpond na rin ang naapektuhan dahil sa Bagyong Dante.


Nananatili namang nakaalerto ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lugar ng Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bukidnon, at Misamis Oriental na kasalukuyang tinatamaan ng bagyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page