top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 8, 2022


ree

Kasalukuyang ipinaaayos ang umano’y nasa kabuuang 33 vote counting machines (VCMs) sa regional technical hub sa Cagayan de Oro, matapos makitaan ng depekto.


Batay sa pahayag ng opisyal, sa tinukoy na 33 depektibong VCMs, anim (6) sa mga ito ay mula sa Agusan del Norte; 14 sa Agusan del Sur; dalawa (2) sa province of Dinagat Islands at tig-apat (4) sa Surigao del Norte at Surigao del Sur.


Gayunman, sa 33 may depekto, 16 na lang umano ang hindi pa naiayos at naibalik, kung saan ang pito (7) rito ay sa Agusan del Sur at apat (4) naman sa Surigao del Sur.


Kaugnay nito, ipinaliwanag ng opisyal na ilang mga lugar sa Caraga Region ang hindi pa nakapagsagawa ng final testing at sealing ng vote counting machines dahil pawang mga depektibo ang ilan sa mga ito.


Ani Comelec Asst. Regional Director Atty. Geraldine Samson, sakali umanong maantala ang paghahatid ng mga naiayos na VCMs ngayong araw, maaari naman aniya itong maihabol bukas para sa final testing at sealing bago magsimula ang aktuwal na botohan.


Sa kabila nito, tiwala si Atty. Samson na sa mga nailatag na contingency measures ay hindi magkakaroon ng aberya ang gaganaping eleksiyon bukas.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 19, 2022


ree

Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng human rights activist at dating Secretary General ng Karapatan-Caraga na si Dr. Natividad Marian Castro matapos itong arestuhin ng mga pulis nitong Biyernes.


Ayon sa kapatid ni Castro, inaresto si Castro bandang 9:30 a.m. sa kanyang bahay sa San Juan City dahil umano sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Caraga.


Si Castro ay isang human rights advocate at health worker sa Mindanao kung saan tumulong siya sa pagbuo ng community health centers at nagtuturo at tumutulong sa mga biktima ng human rights violation sa Caraga.


Dinala na umano ang doktora sa Butuan City kahapon ng hapon dahil doon naka-file ang kanyang kaso.


Kinokondena ng Karapatan ang pagkakaaresto kay Castro dahil ipinroseso umano siya na hindi man lang nakakausap ng kanyang abogado at pamilya.


Nanawagan din ang human rights group na Karapatan na ibasura ang mga anila'y gawa-gawang kaso at palayain si Castro.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 16, 2021


ree

Namataan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Caraga region.


Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tsansa nitong maging bagyo, ngunit inaasahang magdudulot ito ng pag-ulan sa malaking parte ng Visayas at Mindanao.


Huli itong namataan sa layong 615 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.


Nakapaloob ito sa nagsasalubong na hanging dala ng intertropical convergence zone (ITCZ).


Nakakaapekto ito mula sa Palawan, Visayas at Mindanao.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page