top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 17, 2021



Patay ang isang dolphin na napadpad sa dalampasigan ng Barangay Pawa, Panay, Capiz nitong Lunes ng umaga.


Ito ay may haba na higit sa 2 metro at tinatayang may bigat na 100 hanggang 150 kilo.


Ayon sa mga awtoridad, walang nakitang sugat sa katawan ng namatay na dolphin.


Kaagad naman itong inilibing sa lugar.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 17, 2021



Patay ang isang ginang matapos makuryente habang papunta sa eskuwelahan ng anak para kumuha ng module nito, sa Barang Duran, Dumalag, Capiz, Lunes ng umaga.


Kinilala ang biktima na si Jocelyn Liza, 40-anyos at nakatira sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng Dumalag Police, papunta sana sa paaralan ng anak ang biktima para kumuha ng module pero nadaanan nito ang nakalayalay na kawad ng kuryente. Naputol ang kawad nito mula sa poste papunta sa isang bahay.


Hinawi umano ng biktima ang nakalaylay na kawad ng kuryente na nakaharang sa kanyang daanan dahilan para makuryente ito.


Kaagad namang dinala sa ospital ng mga saksi ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.


Nagtamo ng paso at sugat sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima.


Kaagad naman na inayos ng Capiz Electric Cooperative ang kanilang linya na naputol.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 17, 2021



Kinumpirma ni Presidential Spokerson Sec. Harry Roque na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon na isailalim ang Bulacan, Apayao at Capiz sa General Community Quarantine (GCQ) simula bukas October 18 hanggang October 31,2021.


Una nang isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Bulacan at Apayao habang ang Capiz ay isinailalim sa GCQ with heightened restrictions.


Kamakailan ay inaprubahan din ng IATF na i-downgrade ang alert level system sa National Capital Region (NCR) mula sa Alert Level 4 system patungong Alert Level 3, epektibo kahapon October 16,2021.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page