top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 20, 2024



ree

Umabot na sa 11 ang patay at isa ang sugatan sa nangyaring landslide sa Monkayo, Davao de Oro nitong Sabado ng hapon.


Ayon sa munisipal ng Monkayo, ang bangkay ng 45-anyos na si Rommel Gumatin, ay natagpuan at nakuha bandang 1 p.m.


Si Gumatin, na pumanaw kasama ang pito niyang kamag-anak, at tatlong iba pa habang nagdarasal nu'ng Huwebes, ang huling nawawalang biktima sa 12 na indibidwal na nabaon sa lupa at bato sa nangyaring landslide sa Purok 19, Pagasa sa Barangay Mt. Diwata.


Nag-iisang nakaligtas naman ang 1 taong gulang na biktima matapos na itapon ito mula sa kanilang tahanan sa kasagsagan ng landslide.


Tumagal naman ng tatlong araw ang paghahanap sa mga biktima dulot ng masamang panahon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 10, 2021



Nanalasa ang isang buhawi sa Pasilmanta Island sa Zamboanga City, Martes ng hapon. Nagdulot ito ng pagkasira ng ilang bahay sa isla.


Ayon sa ulat ng local government, limang bahay, dalawang bangka at isang madrasa ang nasira dahil sa lakas ng hangin.


Ang nasirang madrasa ay ginagamit bilang paaralan sa isla. Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.


Ayon sa guro sa Manicahan NHS Pasilmanta Annex, kakatapos lang ng distribution of modules nang mangyari ang buhawi.


Pansamantalang nakatira sa kanilang mga kamag-anak ang mga residente na nawalan ng bahay.


Kasalukuyang nakararanas ng sama ng panahon ang buong lungsod dahil sa tail end of cold front.


 
 

by Pag-IBIG - @Brand Zone | July 26, 2021


ree

ree


Enjoy Pag-IBIG Fund services anytime, anywhere!

This is your Lingkod Pag-IBIG, 24/7.



Iba pang mga impormasyon: https://www.pagibigfundservices.com/virtualpagibig/


Maaaring bisitahin ang official website ng Pag-IBIG sa www.pagibigfund.gov.ph o tumawag sa numerong 8-724-4244 ( 8-Pag-IBIG ).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page