top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 30, 2021



ree

Patay ang 50-anyos na police lieutenant mula sa Calabarzon ilang araw matapos itong mabakunahan ng unang dose ng Sinovac COVID-19 vaccine, kaya umakyat na sa 56 ang mga pulis na nasawi simula nu’ng lumaganap ang pandemya sa bansa.


Ayon sa Philippine National Police (PNP) Health Service, nabakunahan ang pulis na may comorbidity nu’ng ika-31 ng Marso, subalit kalauna’y nagpositibo sa COVID-19. Dinala naman ito sa isang ospital sa Batangas nu’ng Abril 15.


Nakatakda sana itong sumailalim sa hemoperfusion nitong ika-28 ng Abril ngunit wala silang nakitang available na ospital sa Metro Manila at Calabarzon dahil puno na ang mga pasilidad.


"However, he was put on the waiting list for the said procedure," giit pa ng PNP Health Service.


Ika-29 ng Abril nang ideklara ng attending physician ng pulis ang pagpanaw nito.


Gayunman, hindi binanggit kung may kinalaman ang Sinovac sa pagkamatay nito.


Sa kabuuang bilang ay 20,150 na ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa kapulisan, kung saan 1,722 ang active cases, mula sa 147 na huling nagpositibo. Samantala, tinatayang 18,372 naman ang mga nakarekober.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 8, 2021



ree

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa pagpatay sa 9 na aktibista sa isinagawang raid ng security forces sa Calabarzon noong Linggo.


Ayon sa awtoridad, nagsagawa ng simultaneous raid upang maghain ng search warrant sa mga aktibista sa ilang lugar sa Calabarzon na sangkot diumano sa kasong "illegal possession of firearms.”


Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang insidente ay napapaloob sa hurisdiksiyon ng Administrative Order 35 Task Force at nakatakdang magsagawa ng pagpupulong sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Marso.


Samantala, magsasagawa rin ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa insidente. Pahayag ni Spokeswoman Jacqueline de Guia,


"Activists are not necessarily terrorists and there should be a differentiation between those who take up arms and those who merely exercise their constitutional right to form and join associations, organizations as well as petition the government for redress of its grievances.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page