top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 24, 2024



File photo

Magpapakilala ang Tesla ng mga bagong modelo at mas mababang halaga ng sasakyan sa taong 2025.


Magugunitang muling tumaas ang stocks ng Tesla sa after-hours trading matapos ang mga buwang pagbagsak kung saan hinarap ng kumpanya ang matinding kompetisyon at pagbaba ng benta.


Ang naganap na pagtaas sa stocks ay dumating kahit na inilabas ng Tesla ang mga resulta ng unang quarter na hindi nila naabot ang inaasahang resulta ng Wall Street.


Tumanggi naman ang Chief Executive na si Elon Musk na magbigay ng mga detalye tungkol sa mga bagong sasakyang kanilang ilalabas ngunit sinabi niyang kasama dito ang mga mas abot-kayang modelo na magsisimulang ilabas sa susunod na taon.


 
 

ni Janiz Navida @Entertainment | April 23, 2024




Inanunsiyo ngayon ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation ang kanilang partnership na maghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV.


Ginanap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibigay-daan sa ALLTV na ipalabas ang ilang nostalgic Kapamilya shows sa ilalim ng Jeepney TV brand at ang longest-running primetime newscast sa bansa na TV Patrol.


Simula Mayo 13, mapapanood ng ALLTV viewers ang mga pinakatumatak at pinakapaboritong Kapamilya teleserye na handog ng Jeepney TV sa iba’t ibang oras pati na rin sa primetime pagkatapos ng TV Patrol.


Dumalo sa contract signing ang Chairman ng Villar Group na si Manny Villar, Sen. Mark Villar, Vista Land & Lifescapes Inc. president at CEO Paolo Villar, at All Value Holdings Corp. president at CEO Camille Villar. Kinatawan ng AMBS sina president Maribeth Tolentino at CFO Cecille Bernardo.


Sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, Group CFO Rick Tan, at chief partnership officer Bobby Barreiro naman ang kumatawan sa ABS-CBN.


Layunin ng bagong partnership na maghatid ng saya at balita sa mga manonood ng ALLTV na available sa Channel 2 sa free TV, cable, at satellite TV nationwide.

 
 

Info @Business | March 6, 2024




Manila, Philippines - Patuloy na pinatitibay ng Cignal ang kanilang posisyon bilang “awesome choice” ng nakararami pagdating sa family entertainment.


Sa pamamagitan ng malawak nitong abot hanggang sa pinakamalayong lugar ng Pilipinas, mas pinipili pa rin ng milyong mga Pilipino ang Cignal dahil kahit nasaan ka man, tinitiyak nila na hindi ka magiging huli sa paborito mong mga programa!


Bilang pay TV provider na nakakaintindi sa pabago-bagong interes ng mga Pinoy pagdating sa entertainment, maraming content ang mai-o-offer ng Cignal. Kung gusto niyo ang kumpletong HBO lineup, Cinema One at PBO para sa blockbuster movies, family-friendly programs mula sa BuKo, Sari Sari, Cartoon Network HD at Dreamworks HD, komprehensibong lokal at internasyonal coverage na balita mula sa One PH, One News HD, BBC News o maging updated sa lokal at internasyonal sports mula sa NBA TV Philippines HD, One Sports+ HD, UAAP Varsity Channel HD, PBA Rush HD etc., lahat ng iyan ay meron sa Cignal.


Meron ding mga “curated pack” para tugunan ang mga iba’t ibang interes ng kanilang subscribers. Kasama rito sa Awesome Pack ay pang Sports Action, Family Time, Asian & Pinoy, at Ultimate Entertainment.


Marami na ang lumilipat sa Cignal dahil sa sulit na serbisyo at murang offerings. Ang mga new subscribers ng Plans 520 pataas ay makakakuha ng libreng 3 months at no cash-out dahil sa kanilang Switcher Promo.


Sa tagal ng taon na binibigay ni Cignal ang kanilang offerings, pinapangako nila ang patuloy na “awesome” viewing experience para sa kanilang mga subscribers araw-araw! Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang www.cignal.tv/switch.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page