top of page
Search

ni Angela Fernando @News | September 3, 2024



News Photo

Umabot na ang utang ng 'Pinas sa bagong pinakamataas na antas nito nu'ng katapusan ng buwan ng Hulyo habang patuloy na nangungutang ang gobyerno upang mapunan ang mga kinakailangang pondo para sa budget, ayon sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr) nitong Martes.


Sa pagtatapos ng Hulyo, lumobo sa P15.689-trilyon ang kabuuang utang ng national government, tumaas ng 1.3% mula sa P15.483-trilyon nu'ng katapusan ng Hunyo 2024. Ayon sa BTr, ang pagtaas na P206.49-bilyon sa utang ng bansa bawat buwan ay pangunahing dulot ng pagpapalabas ng parehong domestic at external na utang.


Samantala, ipinakita rin sa datos ng ahensya na ang fiscal deficit ng pambansang gobyerno mula simula ng taon hanggang katapusan ng Hulyo 2024 ay umabot sa P642.8 bilyon, tumaas ng 7.21% kumpara sa parehong panahon nu'ng nagdaang taon.

 
 

ni Angela Fernando @Business News | August 12, 2024



File Photo

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga empleyado sa pribadong sektor na magtatrabaho sa paggunita ng Ninoy Aquino Day sa Miyerkules, Agosto 21, at National Heroes Day sa Lunes, Agosto 26, ay may karapatan sa karagdagang sahod dahil idineklarang holiday ang mga nasabing araw.


Binigyang-diin ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Agosto 21 bilang isang special non-working holiday at ang Agosto 26 bilang isang regular holiday batay sa Presidential Proclamation 368.


Sinabi rin ni Laguesma na ang mga empleyadong magtatrabaho sa special non-working day ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanilang sahod para sa araw na iyon.


Kung ang special non-working day ay tumapat sa araw ng pahinga ng isang empleyado, sila ay may karapatang tumanggap ng 50% ng kanilang batayang sahod para sa unang walong oras ng trabaho at 30% ng kanilang orasang sahod para sa overtime.


Nilinaw din sa advisory na pasok pa rin ang mga nasabing holidays sa "no work, no pay" policy. Sa kabilang banda, ang mga empleyadong magtatrabaho sa regular holiday ay dapat tumanggap ng 200% ng kanilang sahod para sa unang walong oras ng trabaho.

 
 

by Info @Brand Zone | August 12, 2024



Photo

Todo ka bang dumiskarte? Nandito na ang Bajaj Todo Alaga Promo! Todo ang alaga dahil may one (1) year FREE Change oil inclusive of oil, oil filter, at labor na nagkakahalaga ng P3,786 sa bawat bili mo ng kahit anong model ng Bajaj three-wheeler! Makakatipid kana, dagdag kita ka pa.


Photo

First time in history na libre ang change oil ng preventive maintenance ng three-wheeler mo pero limited time offer lang ito, kaya bili na! Walang katulad na aftercare dahil may 1,548 participating stores rin na pwede mong puntahan para ma avail ang promo. Bakasyon o Philippine loop man. Abot kamay mo ang todo alaga ng Bajaj!


Photo

Marami ang pwedeng mangyari sa loob ng isang taon, isa na doon ang libreng change oil para sa 1,000km, 5,000km, 10,000km, at 12,000km ng Bajaj Three-wheeler! Siguradong swabe ang biyahe at worry-free ang pasada.


Bajaj

Bili na ng kahit anong Bajaj three-wheeler model for as low as P10,000 downpayment mula August 1 hanggang October 31 upang makatanggap ng FREE CHANGE OIL for 1 year! Bisitahin ang aming website sa www.bajaj.com.ph para sa buong mechanics ng promo at malaman ang pinaka malapit ng Bajaj authorized dealer stores sa inyong lugar. Para sa karagdagang tanong, i-click ang link na ito: https://bit.ly/inquirebajajthree-wheelernow

 
 
RECOMMENDED
bottom of page