top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | March 26, 2026



Bigas at baboy

Photo: File / DA



Namimiligrong tumaas ang presyo ng bigas mula P45 hanggang P70 kada kilo kung magpapatuloy ang mataas na presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.


Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. dahil sa matinding epekto ng mataas na presyo ng gasolina sa produksyon, fertilizer at logistics.


Kapag umabot sa USD200 kada bariles ang presyo ng crude oil, posibleng tumaas ang presyo ng manok mula P200 hanggang P324.64 per kilo, habang ang liempo at pigue ay maglalaro sa P350-P370 o posibleng umabot pa ng P588.10 per kilo.


Dahil dito, sinabi ni Tiu Laurel na palalakasin ang price monitoring, targeted food assistance, pagpapalabas ng mga reserbang bigas at ang posibilidad na pagtatakda ng price cap sa mga imported na bigas.


Bilang tulong sa magsasaka at mangingisda, sinabi ni Tiu Laurel na ilalarga nila ang pamimigay ng fuel subsidies at bawasan ang paggamit ng biofertilizers at isusulong ang mga alternatibo tulad ng organic fertilizers.


 
 

ni Mai Ancheta @News | March 24, 2026



Oil Price Hike, Petrolyo

Photo: File



Mahigit 400 gas stations sa buong bansa ang pansamantalang tumigil sa kanilang operasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.


Ito ang inihayag ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa kanilang monitoring matapos sumirit ang mataas na presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.


Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, ang mahigit 400 gas stations ay bahagi ng 14,313 na gasolinahan na mino-momitor ng PNP upang mapigilan ang posibleng hoarding at profiteering.


Sinabi ng opisyal na ang mga natukoy nilang mataas magpresyo ay may mga karatulang “out of service” na gas stations at nai-report na nila sa Department of Energy para sa beripikasyon at pagtukoy kung sangkot sa mga ilegal na aktibidad.


Sinabi ni Tuaño na batay sa kanilang  pagkakaalam, may sapat na supply ng langis na tatagal hanggang April 15, 2026.


Magpapatuloy aniya ang kanilang pagbabantay sa mga gas station na magpapanggap na walang supply ng langis para hintayin ang mas mataas na presyo bago magbenta.


Kasama sa iniimbestigahan ng PNP ani Tuaño ang ilang indibidwal na nahuling ilegal na nagbebenta ng produktong petrolyo mula sa Nueva Vizcaya, Eastern Samar at Guinobatan, Albay.

 
 

ni Lester Bautista @News | March 20, 2026



Jeepney Driver

Photo: File



Taas-presyo na naman?


Mga ka-BULGAR, posibleng umakyat pa ang presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Maaaring umabot sa P14.50 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel habang hanggang P7.50 naman sa kada litro ng gasolina.





Ang mga projection na ito ay posibleng itulak ang pump price ng diesel hanggang P130 kada litro, at ang gasolina sa mahigit P100 kada litro.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page