top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | Oct. 19, 2024



Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), na karaniwang tumataas ang presyo pagkatapos ng malakas na ulan. / FP


Tumaas na sa P120 kada kilo ang presyo ng kamatis sa Pamilihang Bayan ng Mangaldan sa Pangasinan, mula sa P30 kada kilo noong nakaraang linggo.


Karamihan ng kamatis na ibinebenta sa Bagsakan Market ng Lungsod ng Urdaneta ay galing na sa Nueva Ecija at Nueva Vizcaya, dahil matinding nasira ng ulan ang mga pananim sa Rehiyon ng Ilocos.


Ipinaliwanag ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), na karaniwang tumataas ang presyo pagkatapos ng malakas na ulan.


“Talagang ganun, kapag tag-ulan ‘yung produkto medyo may problema, pero kapag nag-normalize na ‘yung panahon natin, bumabalik na rin ang sigla ng taniman natin,” he said. Inaasahang babalik sa normal ang presyo ng mga kamatis sa paparating na mga linggo.

 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 14, 2024




Nawawalan ka na ba ng gana? ‘Yun bang tipong wala ka pang ginagawa, pero feel mo pagod na pagod ka na? Minsan din ba sumagi na sa iyong isip na gusto mo na lamang magpahinga o magbakasyon? Huwag ka mag-alala, besh! Dahil marami ang nakakaranas ngayon nyan. 


Ang pagka-burnout ay ‘di lang basta pagkapagod, at ‘di lang ito basta ordinaryong stress na dulot ng pang-araw-araw na trabaho. Ang mga dumaranas nito ay nawawalan ng ganang magtrabaho at hindi na gaanong nagiging produktibo. 


Ang burnout ay konektado rin sa maraming aspeto. Subalit, ano nga ba ang kadalasang dahilan ng burnout? Narito ang ilang dahilan ng ibang tao. Kaya halina’t alamin natin ito! 

  1. Work-related na mga kadahilanan;

  2. Mataas na demand sa trabaho

  3. Pagtatrabaho sa isang magulong paligid at toxic na workmates

  4. Mga kadalasang dahilan dulot ng lifestyle;

  5. Kakulangan ng oras sa pagri-relax at pakikisalamuha sa kapwa

  6. Napakaraming responsibilidad na ‘di nakatatanggap ng sapat na tulong mula sa mga malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay.

  7. Mga pag-uugaling nagdudulot ng madaliang pagka-burnout

  8. Pagiging perfectionist

  9. Pagiging pessimistic, at pagiging controlling.


Pero, wait lang mga Ka-Bulgar, knows n’yo ba na puwede rin tayong ma-burnout dahil sa sarili rin nating desisyon? ‘Yun bang sa kagustuhan nating umasenso at lumaki ang kita, tanggap ka lang nang tanggap ng trabaho hanggang sa matambakan ka at mauwi sa burnout.


Ang mga sumusunod ay warning signs na maaaring may burnout ang isang tao;

  1. Mga pisikal na senyales

  2. Pakiramdam na laging magkakasakit, at laging pagod

  3. Madalas na pagkakaroon ng sakit ng ulo, sakit sa likuran at kasu-kasuan

  4. Mga emosyonal na senyales

  5. Pakiramdam na walang magawa, talunan, at nag-iisa sa mundo

  6. Pagbaba ng satisfaction at sense of accomplishment

  7. Mga senyales sa pag-uugali

  8. Pagtakas sa mga responsibilidad, at pag-iwas sa ibang tao

  9. Binubuntong ang frustration sa ibang tao


Atin nang nabanggit kung ano ang ibig sabihin ng burnout, kadalasang dahilan, at sintomas nito. Samantala, narito naman ang ilang tips kung paano nga ba ito maiiwasan. Let’s go mga besh, sabay-sabay na natin itong alamin. Oki?!Ang pagkakaroon ng “me time,” ay makakatulong sa atin upang maiwasan ang stress o problemang ating kinakaharap. Kung maaari ay magpasa muna ng temporary leave of absence, at gamitin ito upang makapagbakasyon. 


Mag-recharge ka rin kahit papaano! Huminga, mag-isip-isip at mag-enjoy din, ‘wag n’yo masyadong isubsob ang inyong sarili sa pagtatrabaho. Gets mo?


Lingid sa ating ka­alaman ang taong kulang sa tulog ay madalas na irritable, mainitin ang ulo, at minsan ay wala na rin pokus. Mahalaga ang pagtulog upang makapagpahinga rin ang ating utak. Kaya naman inirerekomenda rin ang 30-minutong ehersisyo kada araw. Maglaan ng panahong sasapat sa pahinga, at makipagsalamuha sa iba bukod sa mga katrabaho at pamilya.


Pagbati! Dahil isa ka sa mga ‘di humihinto para makamit mo ang iyong pangarap. Kaya mga Ka-BULGAR, ‘wag kalimutang ngumiti. Laban lang, kaya natin ito! Okie? 


 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 12, 2024



Date of release: October 12, 2024


The Social Security System (SSS) has announced the appointment of Commissioner Robert Joseph M. De Claro as its new Officer-in-Charge, effective October 11, following the resignation of Rolando Ledesma Macasaet earlier this month. The decision was made by the Social Security Commission (SSC), the policymaking body of the SSS.

 

De Claro, who has served on the SSC since January 11, 2023, representing the Employers' Group, brings a strong background to the role. As a Commissioner, he chaired the IT and Collection and Contribution Committee and participated in key committees covering audit, risk, investment, and governance.

 

In addition to his new role, De Claro has been a member of the board of UnionBank (UBP) and UnionBank Investment and Trust Corp. (UBIMTC) and a member of its Executive Committee (ExCom), Governance and Risk Committees since 2023. His experience in the financial and corporate sectors adds a valuable perspective to his leadership of the pension fund.

 

De Claro’s professional background spans over 32 years, including executive roles in both the public and private sectors.

 

De Claro began his career at Nestlé Philippines in 1993, eventually holding international positions as an Expatriate (OFW) in Australia and at Nestlé’s headquarters in Switzerland.

 

With his broad leadership experience across multiple industries, De Claro is well-equipped to lead the SSS in advancing its mandate of providing comprehensive social security protection to Filipinos.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page