top of page
Search

by Info @Editorial | July 14, 2025



Editorial


Sa panibagong pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE), tiniyak ng ahensya na hindi lamang ang mga manggagawang nasa Metro Manila ang makikinabang sa inaasahang pagtaas ng sahod, kundi pati na rin ang mga minimum wage earners sa mga rehiyon sa labas ng kabisera. 


Sa mga nakaraang taon, naging sentro ng mga umento sa sahod ang Metro Manila. Bagama’t ito ay isang makatuwirang hakbang, madalas ay tila nababalewala ang katotohanang ang gastusin sa probinsya ay patuloy ding tumataas. 


Gayunpaman, higit pa sa pangako ang kinakailangan. Mahalaga ang masusing konsultasyon sa mga regional wage boards upang matiyak na ang itataas na sahod ay sapat at naaayon sa tunay na kalagayang pang-ekonomiya ng bawat rehiyon.


Kailangan ng transparent na proseso, mabilis na implementasyon, at mahigpit na monitoring upang matiyak na makararating sa bawat empleyado ang inaasahang benepisyo.


Ang dagdag-sahod ay hindi lamang tungkol sa pisikal na kita. Isa rin itong pagkilala sa kontribusyon ng bawat manggagawa sa ekonomiya ng bansa.


 
 

by Info @Brand Zone | July 11, 2025



Photo: A Maynilad contractor uses a sewer jetting truck to clear a manhole in Alabang, Muntinlupa—part of the company’s intensified maintenance activities this rainy season. While Maynilad operates year-round, inspections and declogging efforts are heightened during the wet months to help prevent sewer overflows and support flood mitigation. As of June 2025, Maynilad has cleaned over 285 kilometers of sewer lines and cleared more than 3,500 sewer manholes to ensure the smooth flow of wastewater to treatment facilities. Date of Release: July 9, 2025



West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) is ramping up its wastewater operations this rainy season to prevent sewer overflows and support flood mitigation, while continuing its year-round efforts to maintain a clean and efficient sewer network.

 

While Maynilad’s wastewater operations run year-round, the company deploys additional teams and intensifies sewer inspections and declogging activities during the rainy season to address increased risks of blockages and overflows.

 

These activities are especially critical in areas with combined or hybrid sewer systems, where stormwater mixes with wastewater, often bringing in trash and debris that can clog interceptor boxes, manholes, and sewer lines. Interceptor boxes are installed at the end of drainage lines to catch combined flows and divert wastewater to Maynilad’s sewer network for proper treatment.

 


As of June 2025, Maynilad has cleaned over 285 kilometers of sewer lines and cleared more than 3,500 sewer manholes. Preventive maintenance ensures that wastewater is conveyed properly to treatment plants and prevents sewer overflows that may worsen during heavy rains.

 

“Interceptor boxes are installed at the end of drainage lines to catch combined flows and divert wastewater to our sewer network for proper treatment,” explained Maynilad Wastewater Management Head Engr. Zmel D. Grabillo. “Unfortunately, these systems can get blocked by trash that’s swept into drainages during floods.”

 

Maynilad has prioritized combined-sewer areas such as Quezon City, Pasay, Parañaque, and Valenzuela, where more frequent maintenance is needed during the wet season.

 

Although Maynilad does not clean storm drains—which fall under the jurisdiction of local government units—its work in maintaining the sewer network helps ease pressure on drainage systems, indirectly contributing to flood prevention.

 

The company continues to coordinate with LGUs and other stakeholders to protect sewer infrastructure and ensure public health and environmental safety.

 

“We ask the public to be responsible with waste disposal,” added Engr. Grabillo. “Even small acts like properly segregating trash can help prevent blockages that cause flooding.”

 

Maynilad is the largest private water concessionaire of Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) in the Philippines in terms of customer base. Its service area includes the cities of Manila (all but portions of San Andres and Sta. Ana), Quezon City (west of San Juan River, West Avenue, EDSA, Congressional, Mindanao Avenue, the northern part starting from the Districts of Holy Spirit and Batasan Hills), Makati (west of South Super Highway), Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas, and Malabon, all in Metro Manila; and the cities of Cavite, Bacoor, and Imus, and the municipalities of Kawit, Noveleta, and Rosario, all in the province of Cavite.





 
 

by Info @Business News | July 9, 2025



Photo File



Nagkakaisa ang mga lisensyadong online gaming operator, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation, at mga responsableng mambabatas sa panawagang lumikha ng mas mahigpit na regulasyon at hindi ganap na pagbabawal upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong manlalaro at mapanatili ang pag-usbong ng ekonomiya.


Habang pinagdedebatehan sa Kongreso ang mga panukalang ipagbawal o limitahan ang online gaming, nagbababala ang mga lehitimong operator na ang ganap na pagbabawal ay hindi magiging epektibo; bagkus, itutulak lamang nito ang milyon-milyong Pilipino sa itim na merkado at ilegal na operator.


Hindi nabubura ng pagbabawal ang online gaming. Ang binubura nito ay ang mga pananggalang na dapat sana’y nagsisilbing proteksyon. Malinaw ang katotohanan: magpapatuloy ang mga manlalaro. Pipili lamang sila kung maglalaro sila sa lisensyado at ligtas na plataporma o sa itim na merkado – sa mga ilegal na site na walang pananagutan.


May umiiral nang mga pananggalang para sa kaligtasan


Pinapatupad na ng lisensyadong sektor ng online gaming ang ilan sa pinakamahigpit na proteksyon sa Asya:


• Mahigpit na Know-Your-Customer at multi-factor authentication

• Pagsusuri sa National Database of Restricted Persons ng PAGCOR

• Pagtiyak na edad 21 pataas ang lahat ng manlalaro

• Self-exclusion tools at pagmomonitor ng at-risk na kilos

• Pagsunod sa patas at tapat na patalastas

• Pag-ambag sa kita ng bansa, trabaho, at inobasyon sa teknolohiya


Bawat pisong ginugol sa lisensyadong plataporma ay sumusuporta sa mga paaralan, ospital, at kalsada – at tumutulong protektahan ang mga pamilya sa pamamagitan ng regulasyon. Samantala, bawat pisong napupunta sa ilegal na site ay perang ninanakaw mula sa komunidad at dumidiretso sa mga operator na walang pakialam sa batas.


Mga aral mula sa mundo, lokal na realidad


Ipinupunto ng industriya na sa 195 bansa sa buong mundo, 177 ang pumili ng regulasyon para sa online gaming. Ang natitirang 18 – kabilang ang North Korea, Iran, at Somalia – ay may ganap na pagbabawal, ngunit hindi nagtagumpay sa pagpigil ng underground gaming.

Noong 2006, ipinatupad ang pagbabawal sa U.S. ngunit lumipat lamang ang mga manlalaro sa offshore sites. Noong 2013, ginawa itong legal upang muling makontrol ang industriya – nagresulta ito sa US$71.9 bilyon na kita at US$15 bilyon na buwis. Ganito rin ang nakita sa Sweden, Brazil, Colombia, at Argentina: ang pagbabawal ay nagtutulak ng mas malaking krimen; ang regulasyon ang susi sa kontrol at pag-unlad.

Ang kaso ng Pilipinas


Mula nang palawakin at isailalim sa regulasyon ang online gaming noong 2022, tumaas mula P12.3 bilyon tungong P54 bilyon ang kinolektang license fees ng PAGCOR noong 2024. Halos kalahati ng P112 bilyong kabuoang kita ng PAGCOR ay mula sa online gaming. Mahigit 50,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa sektor – karamihan sa mga larangan ng teknolohiya, cybersecurity, creative design, at AI.

Babala ng mga operator: ang padalus-dalos na pagbabawal o pagtanggal ng lehitimong payment channels ay sisira sa mga tagumpay na ito, magbubura ng libo-libong trabaho, at magbibigay-daan sa ilegal na operasyon. Sa mga espasyong ito, wala nang pananggalang sa manlalaro – walang age verification, data protection, suporta sa problematikong pagsusugal, at walang kontribusyon sa ekonomiya.


Panawagan sa balanse at matalinong regulasyon


Sa halip na itulak ang mga manlalaro sa pagtatago, nanawagan ang industriya sa mga mambabatas na:

• Palakasin ang age at identity verification

• Linawin ang limitasyon para sa mga at-risk na manlalaro

• Patatagin ang anti-money laundering safeguards

• Pabilisin ang pagsasara ng mga ilegal na site

• Palawakin ang edukasyon sa karapatan at responsableng paglalaro


Maging malinaw tayo: hindi kaaway ang online gaming na may regulasyon. Ang tunay na banta ay ang mga ilegal na operator na inuuna ang kita kaysa kapakanan ng Pilipino. Hindi takot ang mga legal na operator sa mahigpit na patakaran – tinatanggap pa nga nila ito. Ang kinatatakutan nila ay ang pagsuko ng digital na kinabukasan sa itim na merkado.

Habang ang mga kalapit na bansa gaya ng Singapore, Malaysia, at Vietnam ay nagmo-modernisa ng regulasyon para sa proteksyon at investment, nanganganib ang Pilipinas na maiwan kung paiiralin ang mga batas na nakabatay sa takot. Bubuwagin ng ganap na pagbabawal ang industriyang kayang lumikha ng trabaho, patatagin ang teknolohiya, at maghatid ng bilyong piso sa kita.

Panawagan sa mga regulator: huwag magbukas ng pinto sa paglabag ng batas. Panatilihing legal. Panatilihing ligtas. Panatilihing Pilipino.

Muling pinagtitibay ng mga lisensyadong online gaming operator ang kanilang pangako na makipagtulungan sa pamahalaan, mga regulator, at komunidad upang matiyak na ang online gaming ay ligtas, malinaw, at tunay na may benepisyo para sa sambayanang Pilipino.


LAGDA NG MGA LISENSYADONG ONLINE GAMING OPERATOR SA PILIPINAS:

1. World Platinum Technologies Inc.

2. AB Leisure Exponent, Inc.

3. Total Gamezone Xtreme, Inc.

4. Gamemaster Integrated, Inc.

5. Lucky Taya Gaming Corp.

6. Stotsenberg Leisure Park & Hotel Corporation

7. Igo Digital High Technology Inc.

8. Megabet Corp.

9. Gavin Ventures Inc.

10. Gotech Entertainment Inc.

11. Meta Interactive Software Solutions, Inc.

12. Nextstage Entertainment Inc.

13. Webzoid System Solutions Corporation

14. Trojan Wells Entertainment Corp.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page