top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 22, 2022


ree

Ang passenger arrivals kabilang ang mga Pinoy na galing abroad ay posibleng pumalo ng 12,000 kada araw ngayong summer, ayon sa Bureau of Immigration.


“During the first week of the implementation of the loosened travel restrictions, we saw a rise from around 6,000 arrivals to around 8,000 arrivals per day,” ani Immigration Commissioner Jaime Morente sa isang pahayag.


“These figures, which are a mix of Filipinos and foreign arrivals, rose steadily through the weeks,” dagdag niya.


Noong Pebrero, umabot ito ng 9,000 kada araw sa loob ng dalawang linggo mula nang payagan ng gobyerno ang pagpasok ng fully vaccinated foreigners mula sa visa-free countries, ayon kay Morente.


“Now after a month, we’re seeing more than 10,000 arrivals per day,” paliwanag niya.


“This figure could reach 12,000 or more during the summer season when many foreign nationals flock [to] our tourist destinations to enjoy the tropical weather,” aniya pa.


Handa rin ang Immigration workers sakaling dumagsa ang mga biyahero, ayon kay Carlos Capulong, chief of the BI Port Operations Division.


“Our men are [in] full force, and we have deployed 100% of our airport personnel to conduct document inspection for arriving passengers. The e-gates are also fully operational, which would greatly lessen the processing time,” ani Capulong.


“We are confident that we will be able to provide immigration services to a higher number of arriving passengers in the next few months,” dagdag niya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 8, 2022


ree

Balik na sa 100% ang workforce ng Bureau of Immigration sa mga paliparan ng bansa bilang paghahanda sa posibleng pagdami ng mga biyahero.


Pahayag ni BI Port Operations division chief Carlos Capulong, ipinatupad na nila ang 100% onsite work capacity at bumalik na sila sa kanilang pre-pandemic shifting schedule dahil inaasahan nilang tataas ang bilang ng mga darating na pasahero sa mga susunod na linggo.


Ngayon ay nasa higit 9,000 na ang bilang ng mga pasahero mula sa higit 8,000 kada araw noong unang linggo na binuksan muli ang bansa sa ilang mga turista.


Inaasahan din umano ng BI na unti-unting tataas sa 10,000 hanggang 15,000 kada araw ang dagsa ng mga pasahero sa susunod na buwan.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 21, 2022


ree

Nakatakdang i-deport ng Bureau of Immigration ang tatlong lalaking Nigerian na naaresto dahil sa ‘love scam’ kung saan nagpapanggap ang mga ito na may romantic interest sa mga babaeng nakikilala online pero kalaunan ay lolokohin ang mga ito at iti-trick na padalan sila ng pera.


Kinilala ang mga arestadong foreigners na sina Shaka Hashimu Dirisu, 41; Anih Chinedu Miracle, 27; at Gabriel Daniel Evans, 31.


Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahaharap ang mga suspek sa deportation dahil sa overstaying, misrepresentation at pagiging undesirable aliens.


Iniimbestigahan din ang mga ito sa posibleng pagkakasangkot sa isang South African organized crime group at iba pang criminal activities.


Tinitingnan din ng NBI ang mga posibleng kasabwat ng mga suspek na narito pa sa Pilipinas.


Nito lamang Enero ay mayroon ding naaresto ang National Bureau of Investigation na dalawang Nigerian dahil umano sa involvement nito sa isang online banking fraud na nakaapekto sa 700 depositors.


Paulit-ulit namang nagpapaalala ang BI na huwag agad magtitiwala sa mga nakikilala online upang makaiwas sa mga love scam.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page